Walang pag-asa ang lipunang walang awa-Cardinal Tagle, Panibaguhin ang buhay kay Kristo, sa pamamagitan ng pagiging mapagpatawad.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 499 total reads

Ito ang paalala ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mananampalataya, sa kanyang Homiliya sa Novena mass para sa kapistahan ni Pope St. Pius X, sa Pius X Parish, Onyx, Paco, Manila.

Ayon kay Kardinal Tagle, nais ni Hesukristo na baguhin ang bawat tao, sa pamamagitan ng kanyang awa at habag.

Binigyang-diin ni Cardinal Tagle na hindi dahil nagkasala ang isang tao ay kinakailangan na agad itong parusahan at patayin.

Inihalimbawa ng Kardinal ang kuwento sa Ebanghelyo kung saan pinatawad ng amo ang kanyang utusan na may malaking utang.

Gayunman, sinabi ni Kardinal na kung minsan tayong mga tao ay nagiging tulad ng utusan na nang aabuso naman sa kanyang kapwa at nakalilimutang tularan ang pagiging mapagpatawad ng Diyos.

“Pinatawad kita tapos yung iba na humihingi ng tawad sa iyo hindi mo pinatawad, nakalimutan mo na ba? D’yan nagsisimula ang pagrerebelde at kawalan ng habag. Pag-kalimot – nakalimutan na papano tayo minahal ng Diyos, pinatawad ng Diyos, at kapag nakalimot, hindi na magpapatawad sa kapwa,” pagninilay ni Cardinal Tagle

Sinariwa din ni Kardinal Tagle sa kanyang Homiliya ang unang Death Anniversary ni Kian Delos Santos.

Inihalintulad ng Kardinal si Kian sa utusang nagmakaawa at humingi ng tawad subalit hindi siya nabigyan ng pagkakataon at sa halip ay pinaslang.

“Ngayon po ang unang anibersaryo ng pagkapatay dun sa batang si Kian na pinatay sa Kalookan, na nagmamakaawa, Tama na po, may test pa ako bukas. Kapag nawalan ng awa, ang buhay ng kapwa, wawaldasin. Sabihin na na merong pagkakamali, wala na bang awa para sa nagkamali? At saan tayo makakakita ng tao na hindi nagkamali kahit minsan? Anong gagawin natin? Bawat nagkakamali sasaktan? walang matitira sa atin dito.” Bahagi ng Homiliya ng Kardinal.

Iginiit ni Cardinal Tagle na ang ganitong uri ng pag-iisip ang siya ring pumapatay sa pag-asa ng pag-unlad sa lipunan.

Aniya, ang lipunang walang awa ay walang pag-asa at sa ganitong prinsipyo ay walang lugar ang sinuman sa mundo.

“Ang lipunan na walang awa, walang pag-asa. Nasa atin ang mamili, gusto ba natin ng may pag-asa o tayo’y mamuhay sa kadiliman na hanggang d’yan nalang tayo at ang nagkakamali, walang lugar sa mundong ito. At kapag yun ang prinsipyo natin walang lugar para kahit kanino.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Dahil dito, hinimok ng Kardinal ang mga mananampalataya na tularan si Pius X na magpanibago ng buhay at magpatawaran ng mga hinanakit, paghihiganti at galit sa puso.

Sinabi ng Kardinal na sa ganitong paraan ay mabibigyan ng bagong pagkakataon at bagong buhay ang taong pinatawad at matatamasa naman ng taong nagpatawad ang kapayapaan sa kanyang kalooban.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 20,909 total reads

 20,909 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 101,540 total reads

 101,540 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 195,766 total reads

 195,766 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 256,255 total reads

 256,255 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 269,057 total reads

 269,057 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 374,649 total reads

 374,649 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top