Pagiging makasarili, pumipigil sa kabutihan ng tao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 928 total reads

Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na pagsumikapang magkaroon ng tapat at mapag-arugang puso.

Ipinaliwanag ng Kardinal sa kanyang homiliya sa Mary Comforter of the Afflicted Parish sa Maricaban, Pasay na ang pagkahumaling ng tao sa kaniyang sarili ang nagiging dahilan upang mawala ang katapatan nito sa Diyos at nagiging matigas ang puso kapwa.

Aniya, sa halip na maging mapag-aruga ay napapalitan ito ng kawalang pakialam at kawalang paggalang na dahilan kaya’t nagiging ‘object’ o bagay ang turing ng tao sa kapwa.

Ang taong ginagamit, nadudurog, naiinsulto, ang kanyang angking kagandahan, nayuyurakan. Nakakalungkot ang pag-aaruga, napapalitan ng paggamit. Ang tao na dapat mahalin, nagiging object, gamit na puwedeng bayaran,” bahagi ng pahayag ng Kardinal.

Iginiit nito na pagmamahal ang susi upang mabura ang pagiging ‘individualistic, objectified na pagturing sa tao at nagpapayabong at nagpapaganda ang katauhan ng bawat isa.

Kaugnay nito, binigyang diin ni Kardinal Tagle ang kahalagahan ng ugnayan sa lahat ng aspeto ng buhay ng bawat tao.

Sinabi ng Kardinal na ang mga katangiang nagpapatigas sa puso ng tao ang siya ring nagpuputol sa ugnayan natin sa kapwa.

Dagdag pa ng Kardinal, kapag naputol na ang ugnayan natin sa ating kapwa ay hindi na titibok ang puso ng tao para sa kabutihan kundi para lamang sa sariling interes.

“Ang pagkamakasarili, nagpapatigil ng pagtibok ng puso, hindi ka na nagmamahal sa iba, minamahal lang ang sarili at yon ay katigasan ng puso.” Dagdag pa ng Kardinal.

Tiniyak ni Cardinal Tagle na ang puso ng mahal na ina ay kailan ma’y hindi tumigil sa pagtibok para sa mga tao, lalo na sa mahihirap, at hindi rin kailan man nagkaroon ng pansariling interes.

Inihayag ng Kardinal na hindi nagmamaliw ang pagmamahal ni Maria, at tulad ng isang ina ay lagi itong dumaramay sa mga nagdadalamhati, at nag-aaruga sa mga nagdurusa.

Dahil dito, umaasa ang kardinal na magsisikap ang bawat mananampalataya upang matularan ang mapag-aruga at tapat na puso ni Maria.

Hindi nagmamaliw ang puso ng isang ina, laging tumitibok para sa anak, at ang ina hindi sarili ang inuuna kaya kaya n’yang dumamay sa maligaya man o sa nagdadalamhati… Pangatawanan natin, kung s’ya nga ang ating ina, ang puso natin, sana kasing tapat, kasing maarugain, kasing madamayin, katulad ng kan’yang puso.” pahayag ni Kardinal Tagle

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 14,071 total reads

 14,071 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 95,227 total reads

 95,227 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 189,452 total reads

 189,452 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 249,942 total reads

 249,942 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 263,117 total reads

 263,117 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 374,556 total reads

 374,556 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top