Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

RA 11058, pagpapahalaga sa mga manggagawa

SHARE THE TRUTH

 1,351 total views

Inihayag ng Department of Labor and Employment na positibong pagsulong sa karapatan ng mga manggagawa ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Republic Act (RA) 11058, o An Act Strenghtening Compliance with Occupational, Safety and Health (OSH) Standards.

Ayon kay DOLE Undersecretary Joel Maglunsod ng Labor Relations Special Concerns and Regional Operations, malaking tulong sa mga manggagawa sa Pilipinas ang pagsasabatas ng Occupational Safety and Health upang matiyak na ligtas ang bawat manggagawa sa lugar na kanilang pinagtatrabahuan.

Landmark legislation ito since matagal na itong hinihintay ng ating mga mamamayan. Kasi totoo namang may batas na OSH pero kulang sa ngipin kaya’t pinalalakas ito ng Pangulo.”pahayag ni Maglunsod.

Sinabi ni Maglunsod na dahil sa batas ay maari nang humiling ang mga manggagawa sa mga kumpanya ng maayos at komportableng lugar ng trabaho tulad na lamang ng proper ventilation, angkop na mga kagamitan at angkop na mga kasuotan na magpoprotekta sa kalusugan ng mga manggagawa.

Matatandaang nilagdaan ni Pangulong Duterte ang RA 11058 noong ika – 17 ng Agosto kung saan sinasaad din dito ang pagpataw ng parusa tulad ng pagmumulta ng hanggang 100, 000 piso sa mga kumpanyang lalabag.

Inihayag ni Maglunsod na sinisikap ng D-O-L-E na madadagdagan pa ang mahigit 500 labor laws compliance officers hanggang sa 2, 000 upang matiyak na susunod ang mga kumpanya sa mga itinakdang batas hinggil sa mga manggagawa.

Hinimok din ng opisyal ang mga manggagawa na agad ipagbigay alam sa pinakamalapit na tanggapan ng DOLE ang mga iregularidad ng mga kumpanya upang magsagawa ng agarang imbistigasyon ang ahensya.

Sa panlipunang katuruan ng Simbahang Katolika binigyang diin nito ang kahalagahan sa pagbibigay pansin sa mga manggagawa na bukod sa ligtas ng pagtatrabahuan ay mahalaga ring mabigyan ito ng tamang pasahod at benepisyo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bukal ng tubig, bukal ng buhay

 16,702 total views

 16,702 total views Mga Kapanalig, ramdam na ramdam natin ang tindi ng summer heat! Kapag summer, talagang masarap maligo at uminom ng pampalamig, mapawi lang ang

Read More »

Mga hakbang pagkatapos ng halalan

 29,444 total views

 29,444 total views Mga Kapanalig, isang halalan na naman ang nairaos natin. Ikinatuwa o ikinadismaya man natin ang resulta, paano kaya tayo maaaring umusad pagkatapos nito?

Read More »

May magagawa tayo

 49,368 total views

 49,368 total views Mga Kapanalig, Eleksyon 2025 na! Ayon sa Republic Act No. 7166, dapat isagawa ang isang halalan bawat tatlong taon. Ang partikular na eleksyon

Read More »

Transport Reforms

 55,132 total views

 55,132 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 62,271 total views

 62,271 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here

Related Story

Economics
Norman Dequia

EU bonds, isinusulong ng European Union

 17,742 total views

 17,742 total views Isinulong ng European Union sa Pilipinas ang EU bonds bilang maasahan at ligtas na investment gayundin ang pagtiyak na matatag na global currency

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top