EU bonds, isinusulong ng European Union

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,461 total reads

Isinulong ng European Union sa Pilipinas ang EU bonds bilang maasahan at ligtas na investment gayundin ang pagtiyak na matatag na global currency ang euro.

Ito ang tampok sa dalawang araw na pagbisita ni European Commissioner for Budget and Administration Johannes Hahn sa Pilipinas kamakailan.

Nakipagpulong si Hahn sa ilang mga opisyal ng bansa lalo na sa mga tanggapang nangangasiwa sa pamumuhunan ng Pilipinas kabilang na si Department of Finance Secretary Ralph Recto.

“The Commissioner has taken the opportunity of his stay in Manila to promote investment in EU-bonds as a safe asset and the euro (EUR) as a stable global currency,” ayon sa pahayag ng European Union.

Itinampok ng EU na sa loob lamang ng ilang taon ito ang isa sa pinakamalaking issuer ng euro o katumbas sa 150 bilyong euro kada taon.

Ibinahagi rin ni Hahn na patuloy ang pagdami ng bilang ng mga mamumuhunan mula sa labas ng Europa kung saan sa kasalukuyan ay mayroon itong 1, 700 diversified investors base mula sa 70 mga bansa.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na dumalaw sa Pilipinas ang isang European Commissioner for Budget and Administration na tanda ng mas maigting na pagtutulungan ng EU at Pilipinas sa usaping pamumuhunan at pangkabuuang pag-unlad.

Sa ensiklikal na Populorum Progression ni St. Paul VI itinuring nitong ‘promoters and apostles of genuine progress and true development’ ang mga indibidwal, grupo at mga bansang lumilingap sa mga lugar na nangangailangan ng tulong na tanda ng pagsasabuhay at pagpadama sa dakilang habag, awa at pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Troublemaker

 27,224 total reads

 27,224 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 75,095 total reads

 75,095 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 179,043 total reads

 179,043 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 265,157 total reads

 265,157 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 333,931 total reads

 333,931 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top