NAIA runway mess, Eye opener sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 519 total reads

Nawa ay magsilbing ‘Eye Opener’ ang naganap na pagsadsad ng Xiamen air sa runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), noong Huwebes ng gabi.

Ayon kay Catanduanes Representative Cesar Sarmiento, Chairman ng House Committee on Transportation, hindi karaniwan na umabot sa 36 na oras bago mai-alis sa run way ang sumadsad na eroplano na nagdulot ng malawakang perwisyo sa may higit 30 libong pasahero.

“Very Evident po ang kawalan ng Contingency Plan. Bagama’t puwede nating masabi ang pangyayari ay isang aksidente bihirang mangyari, pero nangyayari,” ayon kay Sarmiento sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi pa ni Sarmiento na kabilang sa mga ipapatawag sa isasagawang imbestigasyon ng Kongreso ang Department of Transportation (DoTR), Manila International Airport, Civil Aeronautics Board maging ang mga airline companies.

“Sana ang ganitong sitwasyon ay naa-anticipate ito para daglian response ang dapat na nagawa ng Airport Authorities para maiwasan yung malaking abala,” dagdag pa ni Sarmiento.

Kabilang din sa ipapatawag sa house inquiry ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) lalu’t maraming paalis na OFW ang na-standed.

Sa hiwalay na panayam, iginiit ni CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People Chairman Bishop Ruperto Santos na bigyan ng tulong sa pakikipag-ugnayan sa mga employer ng mga naabalang OFW.

Ayon naman kay Manila International Airport Authority general manager Ed Monreal, aabot sa P15 milyong danyos ang dapat na bayaran ng Xiamen airlines ito ay para lamang sa pagtanggal ng eroplano sa run way ng NAIA.

Sa isang mensahe ng Santo Papa Francisco, hinikayat nito ang mga kompanya at mga negosyante na kilalanin at tupdin ang Corporate Social Responsibility bilang mabuting ehemplo sa mamamayan na tumatangkilik ng kanilang serbisyo at produkto.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 109,279 total reads

 109,279 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 203,306 total reads

 203,306 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 247,575 total reads

 247,575 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 270,683 total reads

 270,683 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 340,761 total reads

 340,761 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top