Hindi maitatago ang katotohanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 569 total reads

Ito ang inihayag ni Fr. Greg Gaston, Rector ng Pontificio Colegio Filipino at Veritas Correspondent sa Roma, Italya kaugnay sa mga ulat ng sexual abuse ng ilang mga alagad ng simbahan.

Inihayag ni Father Gaston na napakalungkot at napakasakit ang pagkakasangkot ng mga pari sa sexual misconduct.

“Napakalungkot, napakasakit din ang mga nangyayari kaya dapat ipagdasal ang mga kaparian. Dito sa Colegio Filipino 90 percent ng nagtatapos dito ang ina-assign sa seminaryo para sila ang maghubog sa ating mga future na pari,” ayon kay Fr. Gaston sa Veritas Pilipinas.

Inamin din ni Father Gaston na ang mga pangyayari ay maaring manipestasyon ng mga karanasan sa kanilang pagkabata at nagpapatunay na ang pari bilang tao ay lantad din sa mga pagsubok.

“Kaming mga pari, tao din kami pero hindi iyan excuse. Naapektuhan din kami ‘yung formation nung bata pa, sa family minsan may masakit din na experienced. At nanduon din ang temptation. Although ang sexual abuses, child abuses hindi lang naman sa mga pari, marami din ang sexual abused sa mga anak within the family,” paliwanag ni Fr. Gaston.

Ayon sa pari, ang mga pangyayari ay malaking hamon sa lahat sa pagpapanibago at pagsasabuhay ng sinumpaang tungkulin ng bawat mga pari.

“Hindi ‘yan excuse kundi napapasama din dahil tao din ang pari at may commitment ang pari na suppose to be hindi niya gawin ito doon ang mas malungkot,” ayon kay Fr. Gaston.

Unang hinikayat ni Pope Francis ang lahat na magsagawa ng pagdarasal, pag-aayuno at pagbabalik loob sa krisis na kinakaharap ng bansa at ang pagsisikap na hindi na maulit pa ang mga pangyayari.

Base sa canon law, ang mga sexual offenders ng simbahan ay lilitisin sa church tribunal na kabilang sa parusa ang pag-aalis sa kaniya bilang pari na hiwalay pa sa pananagutang sibil.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 125,470 total reads

 125,470 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 262,556 total reads

 262,556 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 378,332 total reads

 378,332 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 493,617 total reads

 493,617 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top