Cabinet official, Tiniyak na maayos ang kalusugan ng Pangulong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 552 total reads

Tiniyak ni Labor Secretary Silvestre Bello III na maayos ang kalusugan ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kaugnay na rin sa mga paratang na mahinang kalusugan ng Pangulo at panawagang dapat na itong ipaalam sa publiko.

Giit ni Bello, nakadalo pa ang Pangulo sa pagbibigay pugay sa mga sundalo sa Sulu sa Mindanao at bumalik pa-Maynila para sa pagdiriwang ng National Heroes Day.

“Kung mahina-hina ang katawan mo ay hindi mo magagawa ang katulad ng ginagawa ng Pangulo,” ayon kay Bello.

Una na ring inihayag kamakailan ni CPP-NPA founder Jose Maria Sison na nasa ‘coma state’ ang pangulong Dutere at ang hamon nito na ipahayag sa publiko ang tunay na kalagayan ng kaniyang kalusugan.

Usapang pangkapayapaan, magpapatuloy

Kumpiyansa naman si Bello na hindi maapektuhan sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan ang palitan ng sagutan ng Pangulo at ni Sison.

Giit ni Bello na siya ring Presidential Adviser on the Peace Process at GRP panel chairperson na sa kabila ng batikusan ng magkabilang panig ay umaasa pa rin siyang magpapatuloy ang pag-uusap sa pagitan ng pamahalaan at mga rebelde.

“Hindi ako naggi-give up. Pero ang peace talk isang proseso lang ito. Hindi makakamit ang kapayapaan sa pamamagitan lang ng paglalagda ng peace agreement. Kasi ang mahalaga sa peace process ‘yung ‘strategic value’ ng peace process na habang nag-uusap kami kahit urong-sulong, ang pinag-uusapan tinatalakay namin dyan ang sanhi ng kaguluhan bakit nag-aaway tayong mga Filipino,” paliwanag ni Bello.

Sa pamamagitan ayon kay Bello ay matatalakay ang solusyon sa mga dahilan ng pag-aaway na maaring tugunan.

Ayon pa sa kalihim hindi na mahalaga kung patuloy na tumatagal ang pag-uusap dahil higit na mahalaga ay may puwang pa rin sa dayalogo ang magkabilang panig.

Base sa tala, tinatayang may 5,000 mga miyembro ng NPA sa buong bansa.

Sa mensahe ng Santo Papa Francisco, ang bawat suliranin ay tuwinang mareresolba sa pamamagitan ng pag-uusap at hangarin na pagkakasundo ng magkabilang panig.

Giit ng Santo Papa hindi kailanman solusyon ang digmaan sa hindi pagkakaunawaan lalu’t magreresulta ito pagkasira ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 90,391 total reads

 90,391 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 184,421 total reads

 184,421 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 228,689 total reads

 228,689 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 251,798 total reads

 251,798 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 322,847 total reads

 322,847 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top