Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Obispo, nanawagan ng sama-samang panalangin para sa ulan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 507 total views

Nagbahagi ng panalangin si Apostolic Vicariate of Puerto Princesa Palawan Bishop Pedro Arigo sa matinding epekto ng El Niño phenomenon na umiiral sa Pilipinas sa kasalukuyan.

Inilahad ng obispo sa kanyang panalangin ang paghingi ng tawad sa mga nagawang pagkakasala ng tao sa kalikasan.

Gayun din humingi ito ng gabay mula sa Panginoon upang maitama ang lahat ng pagkakamali ng tao at sama-samang mapanumbalik ang balanseng kalikasan.

“Sa pamamagitan nitong ginawa ng CBCP na Oratio Imperata, muli mo kaming alalahanin [Panginoon] ang aming mabigat na panunungkulan lalo na sa panahon ng climate change, nang tamang stewardship, pangangalaga sa aming kapaligiran, nawa kasabay ng aming panalangin, na humihingi ng awa sa taong ito ng Mercy, ay nawa’y gabayan mo rin kami sa aming pagkilos, para hindi naman kami umaasa lang sa iyo, sa panalangin, kundi ipakita rin naming sa aming mga pagkilos, na kami ay tumutugon sa tawag ng panahon ngayon na maging responsableng katiwala ng aming kapaligiran.” panalangin ni Bishop Arigo.

Sa kasalukuyan sa datos Department of Agriculture, umaabot na sa 252,176 hektarya ng lupang pansakahan ang apektado ng El Nino mula pa noong Pebrero nang nakaraang taon hanggang nitong Marso 2016 kung saan 383,743-metriko tonelada ng mga pananim at iba pang produktong mula sa agrikultura ang nasira na nagkakahalaga ng 5.53-bilyong piso.

Magugunitang taong 2014 pa lamang nabatid na ng PAGASA ang matinding El Niñong tatama sa Pilipinas ngayong 2016, subalit nabigo ang administrasyong mapaghandaan ito.

Kaugnay dito, isinailalim na rin ng National Disaster Risk Reduction Management Council sa State of Calamity ang mga lalawigan ng Isabela, Quirino, Bukidnon, Davao del Sur, Cotabato, Maguindanao, at Basilan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

A WAY TO LATE?

 32,476 total views

 32,476 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Sapat na kanin sa mesa

 49,084 total views

 49,084 total views Mga Kapanalig, hindi maaaring mawala ang kanin sa mesa ng bawat pamilyang Pilipino, kaya mahalagang tiyaking sapat ang suplay ng bigas sa mga

Read More »

Ang pinsala ng pagkalimot

 58,638 total views

 58,638 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Special Division ng Sandiganbayan ang natitirang asset claims sa isa sa mga forfeiture cases laban sa yumaong diktador na

Read More »

Andaming sumasawsaw

 135,057 total views

 135,057 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 333,072 total views

 333,072 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top