Tagumpay ng mga nanay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 736 total reads

Mga Kapanalig, pasado na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na magpapahaba sa maternity leave ng ating mga manggagawang ina. Sa ilalim ng Expanded Maternity Leave Bill, gagawing 100 araw ang dating 60 araw na maternity leave. Nakapagpasá na ang Senado ng katulad na panukalang batas noong Marso kung saan 120 araw ang mungkahi nilang itatagal ng maternity leave.

Maituturing na tagumpay ng mga manggagawang nanay ang nalalapit na pagsasabatas ng Expanded Maternity Leave Bill, lalo pa’t ang Pilipinas (kasama ang Malaysia) ang may pinakamaikling maternity leave sa Timog Silangang Asya. Sa Vietnam, ang mga babaeng bagong panganak ay may hanggang 180 araw para makapag-leave sa trabaho; 112 araw naman sa Singapore, 105 na araw sa Brunei at Laos, at 90 na araw sa Indonesia, Cambodia, at Thailand. Mas mababa ang 60 araw na maternity leave sa Pilipinas sa minimum na 14 na linggo o 98 na araw na inirerekomenda ng International Labor Organization o ILO.

Ayon kay Senadora Risa Hontiveros, ang may-akda ng panukalang batas sa Senado, mahigit dalawang dekada nang hinihintay na maisabatas ang karagdagang araw ng pahinga para sa mga bagong panganak na manggagawang ina sa pribado at pampublikong sektor. Ayon sa Philippine Legislators’ Committee on Population and Development o PLCPD, isang NGO na kinabibilangan ng mga mambabatas at isa sa mga pangunahing nagtutulak ng panukalang batas na ito, inabot ng dalawang taon mula sa unang pagdinig nito sa plenaryo ng Mababang Kapulungan bago ito pumasa sa ikatlo at huling pagbasa.

Lumalabas sa mga pag-aaral na ang karagdagang araw ng leave ay may positibong epekto sa kalusugan hindi lamang ng mga nanay kundi pati ng mga bagong silang na sanggol. Kung mas mahaba ang maternity leave ng mga nanay, mas makapagpapasuso sila sa kanilang mga sanggol. Ang mas mahabang maternity leave ay maganda rin sa pagbubuo ng ugnayan o bonding sa pagitan ng nanay at ng kanyang sanggol. Karagdagang oras rin ito ng pahinga para sa mga nanay, mas mahabang panahon upang ipahinga ang kanilang katawan bago muling sumabak sa trabaho.

Ngunit bago pa man tuluyang maisabatas, dadaan ang Expanded Maternity Leave Bill sa bicameral conference kung saan itatakda ng mga mambabatas kung magiging 100 o 120 araw ang haba ng bagong maternity leave. Mahalagang tutukan ang bicameral conference dahil dito tatalakayin ang agam-agam ng ilang taga-pribadong sektor. Nangangamba kasi ang ilan sa kanila kung kakayanin nilang ibigay ang bayad para sa manggagawang inang nasa mas mahabang leave. Nakalulungkot na pabigat ang turing ng ilang sektor sa pagbibigay ng nararapat na pahinga sa mga manggagawa nilang nanganak. Baka gamitin pa itong dahilan ng ilang negosyante upang hindi kumuha ng babaeng trabahador.

Hindi matatawaran ang sakripisyo at paghihirap ng mga nanay sa kanilang pagdadalang-tao at panganganak upang magbigay ng bagong buhay. Sabi nga ni Pope Francis sa Amoris Laetitia, ang pagsalubong sa bagong sanggol ay pagsalubong rin sa biyaya ng Panginoon sa isang mag-anak. Sinasabi ring nararamdaman ng sanggol ang pag-ibig ng Panginoon sa pagdaloy ng pag-ibig ng kanyang nanay at tatay. Kinikilala ng ating Santa Iglesia ang natatanging papel ng nanay sa pag-aaruga sa kanyang anak. Hindi nga ba’t ang galak ng Panginoon sa pagdadalantao ng ilang nanay sa Bibliya ay inihahayag pa ng mga anghel?

Mga Kapanalig, sang-ayon sa pagbibigay-halaga ng ating Simbahan sa pamilya at buhay ang pagbibigay ng karagdagang oras sa mga nanay upang magpahinga at maalagaan ang mga bagong silang nilang anak. Panahon nang maisabatas ang Expanded Maternity Leave Act.

Sumainyo ang katotohanan.

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 7,985 total reads

 7,985 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Usapang klima

 14,466 total reads

 14,466 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 130,244 total reads

 130,244 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 250,823 total reads

 250,823 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 300,366 total reads

 300,366 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Usapang klima

 14,467 total reads

 14,467 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 130,245 total reads

 130,245 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 250,824 total reads

 250,824 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »
Scroll to Top