Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pangulong Duterte, hinamong pagsilbihan ang sambayanang Filipino

SHARE THE TRUTH

 121 total views

Pinaalalahanan ni Magdalo Partylist Representative Gary Alejano ang Pangulong Rodrigo Duterte na siya ang ama ng bansa at dapat manilbihan hindi lamang sa iilan kundi sa buong sambayanan.

“We should understand na kahit sino pang hindi bumoto kay President Duterte ay siya ang Presidenteng nakaupo. Hindi ibig sabihin na hahatiin natin ang bansa na sa mga bumoto lamang sa kanya,” ayon kay Alejano.

Iginiit ni Alejano na dapat maintindihan ng Pangulo na ang pagkakaroon ng oposisyon o mga kritiko sa bawat administrasyon ay nagsisilbi para punahin ang maling polisiya, at mga kakulangan ng pamahalaan.

“Dahil kung anuman ang gagawin ng presidente apektado ang lahat bumoto man o hindi. Siya na nga ang Pangulo, siya na nga ang tatay natin, gusto man natin o hindi,” ayon kay Alejano sa panayam ng Veritas Pilipinas.

Ayon sa mambabatas sa panayam ng Veritas Pilipinas, inaasahan ng mga Filipino na tutugunan ng pangulo ang mga problema ng bansa tulad ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin sa halip na isulong ang personal na galit sa mga kritiko.

“Ine-expect natin ang Pangulo na tugunan ang mga pangunahing problema sa bansa especially now na may pagtaas ng mga bilihin, kakulangan ng mga isda at murang bigas. Kahit tayo ay archipelagic nation ay kulang tayo sa pagkain ngayon yung ang gusto nating marinig sa Pangulo kaysa sa binabalikan niya ng personal ang mga kritiko ng administrasyon,” ayon kay Alejano.

Nadismaya ang maraming Pilipino ng kanselahin ang nakatakdang press conference sa Malacanang na naging one-on-one interview kasama si Chief Legal Counsel Salvador Panelo.

Sa talakayan, ipinagtanggol ng Pangulo ang ipinapatupad na tax measures na kailangan ng bansa para tustusan ang mga proyekto ng gobyerno.

Sinabi rin ng Pangulo na ang solusyon sa pagtaas ng presyo at kakulangan ng bigas ay ang pag-aangkat mula sa ibang bansa.

Habang paulit-ulit na binanggit ng pangulo ang kanyang numero unong kritiko na si Senator Trillanes at paninindigan sa pagpapawalang bisa ng amnesty laban sa dating mutineer.

Hinamon din ng Pangulong Duterte ang Armed Forces of the Philippines na mag-aklas kung pumapanig sila kay Trillanes at naniniwalang hindi siya karapat dapat bilang pinuno ng Pilipinas.

Sa panlipunang katuruan ng Simbahang Katolika dapat na pinaiiral sa lipunan ang pagkakaisa tungo sa mapayapa at makatarungang pamayanan.

Hinihikayat naman ni Pope Francis sa kaniyang mga mensahe sa mga kristiyano na patuloy na ipanalangin ang mga lider ng pamahalaan sa kabila ng pagkakaiba ng paniniwala, polisiya at grupong pulitikal na kinaaniban.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Inclusive Education

 5,565 total views

 5,565 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 11,320 total views

 11,320 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 18,583 total views

 18,583 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 26,568 total views

 26,568 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 34,103 total views

 34,103 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Marian Pulgo

Pagpapabuti ng kalagayan ng guro, mag-aaral dapat tutukan ni DepEd Sec. Angara

 6,737 total views

 6,737 total views Nais ng grupo ng mga guro na unahing tutukan ng bagong talagang kalihim ng Department of Education ang kalagayang pangkabuhayan ng mga guro sa buong bansa. Ayon kay Teachers Dignity Coalition, nawa ay bigyang tuon ni incoming DepEd Secretary Juan Edgardo Angara ang umento sa sahod at benepisyo ng mga guro. Sinabi pa

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Education sector, umaasa sa pagbabagong ipapatupad ni Angara sa DepEd

 6,977 total views

 6,977 total views Umaasa ang education sector na magkakaroon ng mga pagbabago sa pamamahala ng Department of Education sa pagkakatalaga ng bagong kalihim ng kagawaran. Ayon sa panayam ng Veritas Pilipinas kay Dra. Jennie Jocson-Director, Research Institute for Teacher Quality, bagama’t hindi mula sa hanay ng mga guro si in-coming DepEd Secretary Juan Edgardo Angara ay

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Dating pangulong Duterte, dahilan ng pamamayagpag ng POGO sa Pilipinas

 12,835 total views

 12,835 total views Isinisi ni Senator Risa Hontiveros ang pamamayagpag ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Pilipinas dahil kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sa panayam ng programang Veritas Pilipinas ng Radyo Veritas, sinabi ni Hontiveros, chairman ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, sa pamamagitan ng defacto policy ni Duterte at

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

“Marriage is not the problem, it is the hardness of our hearts”

 16,927 total views

 16,927 total views Patuloy na naninindigan ang simbahang Katolika sa pagtataguyod at pagpapatatag ng sakramento ng kasal at pagtutol sa diborsyo. Ayon Fr. Roy Bellen, Vice President for Operations ng Radyo Veritas at kura paroko ng National Shrine of the Sacred Heart, ang pagtutol sa diborsyo ng simbahan ay nakabatay sa kautusan ni Hesus na siyang

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Bantay Bigas nanawagan sa mamamayan na manindigan laban sa ChaCha

 13,116 total views

 13,116 total views Nananawagan ang consumer group sa publiko na makiisa sa panawagan para tutulan ang isinusulong na Charter Change. Ayon kay Cathy Estabillo, tagapagsalita ng Bantay Bigas wala nang maasahan ang mamamayan sakaling pagtibayin ang reporma sa 1987 Constitution na pagpapahintulot ng 100 porsiyentong pag-aari ng mga dayuhan lalo na sa mga lupain at likas

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Gentleman’s agreement ng dating pangulong Duterte sa China, iimbestigahan ng Kamara

 13,290 total views

 13,290 total views Dapat mapanagot ang mga nasa likod ng sinasabing “gentleman’s agreement” sa pagitan ng China at Pilipinas sa pinagtatalunang teritoryo na West Philippine Sea (WPS). Ito ay kaugnay na rin sa patuloy na pagtaas ng tensyon sa pinagtatalunang teritoryo at ang pinakabagong banta ng China na huhulihin ang mga ‘tresspasser’ sa WPS. Ayon kay

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

“EDSA is a miracle.”

 44,313 total views

 44,313 total views Ganito isinalarawan ni Sr. Asunsion “Cho” Borromeo, FFM ang mga pangyayaring sa naganap na EDSA People Power Revolution 38-taon na ang nakakalipas. Si Sr. Borromeo ay kabilang sa mga madre na unang nagtungo at nanatili sa EDSA kasama ang iba pang mga pari at mga nagkikilos protesta. Buong-buo pa rin sa alalaala ng

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Mindanao secession, labag sa 1987 constitution

 35,854 total views

 35,854 total views Taliwas sa sinasaad ng Saligang Batas ang panawagang paghihiwalay ng Mindanao sa Pilipinas. Ito ang paalala ni 1-Rider Partylist Representative Rodge Gutierrez kaugnay sa isinusulong nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Davao de Norte Rep. Pantaleon Alvarez, lalo’t wala ring dahilan para humihiwalay ang Mindanao bilang bahagi ng Pilipinas. “If we allow our

Read More »
Economics
Marian Pulgo

Pag-alis ng senior citizen booklet, tatalakayin sa Mababang Kapulungan ng Kongreso

 39,567 total views

 39,567 total views Inaasahang sa mga susunod na araw ay tatalakayin na sa Mababang Kapulungan upang tanggalin ang ‘senior citizen booklet’ bilang requirement para makakuha ng diskwento ang mga nakatatanda sa kanilang pamimili. Ayon kay Deputy Majority Leader at ACT-CIS Partylist Representative Tulfo, ipinag-utos na ng liderato ng Kamara ang pagbuo ng Technical Working Group upang

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

1987 constitution, hindi maaring rebisahin sa pamamagitan ng People’s Initiative

 46,072 total views

 46,072 total views Nilinaw ng isang eksperto na hindi maaring rebisahin ang 1987 Philippine Constitution sa pamamagitan ng People’s Initiative. Ito ang binigyang-diin ni law professor Attorney Jose Manuel Diokno kaugnay sa mga ulat na pangangalap ng pirma sa ilang lugar sa bansa upang magpatupad ng mga pagbabago sa Saligang Batas. Sa panayam ng programang Veritas

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Iwaksi ang poot at paghihiganti, panawagan ng dating pangulo ng CBCP

 40,290 total views

 40,290 total views Hinimok ng dating pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang publiko na manalangin at iwaksi ang poot at paghihiganti kasunod ng naganap na pagpapasabog sa Mindanao. Ayon kay Davao Archbishop Romulo Valles, bilang mga mananampalataya ay ating hingin sa Panginoon ang katatagan ng pananampalataya sa kabila ng mga kinakaharap na pagsubok.

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

“Why only now?”-Bishop David

 44,050 total views

 44,050 total views Nagpapasalamat si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa paglaya ni dating Senator Leila De Lima. Ayon kay Bishop David na siya ring pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) isa itong magandang balita lalo’t matagal nang nakakulong ang dating mambabatas sa kabila ng pagbawi ng ilang testigo sa kanilang testimonya laban

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Sa pagsamantalang kalayaan ni De Lima: ‘The injustice is lessen’- Bishop Bacani

 42,168 total views

 42,168 total views Umaasa ang obispo ng simbahan na sa kabila ng mahabang panahon na pagkakapiit dahil sa maling paratang ay makakamit rin ni dating Senator Leila de Lima ang katarungan. Ito ayon kay Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani Jr. kaugnay na rin sa pagpayag ng hukuman na makapagpiyansa si De Lima para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Sa paglaya ni dating Senator Leila de Lima matapos ang pitong taon; Ilang mambabatas, tiniyak ang patuloy na pagsusulong ng ‘human rights at rule of law

 39,752 total views

 39,752 total views Bagama’t umabot ng higit sa dalawang libong araw na pagkakakulong ni dating Senator Leila de Lima, kumpiyansa ang ilang mambabatas sa pagsisimula ng pagkamit ng katarungan mula sa maling paratang ng dating administrasyong Duterte. Ito ayon kina Albay 1st District Representative Edcel Lagman, Kabataan Partylist Representative Raoul Manuel at House Deputy Minority Leader,

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Realignment ng intelligence fund, makakatulong sa operational capability ng security agencies sa WPS

 34,163 total views

 34,163 total views Naniniwala ang mga mambabatas ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na malaki ang maitutulong na mailipat ang binawing confidential funds na nakapaloob sa 2024 P5.768-trilyong General Appropriations Bill (GAB) sa kakayahan ng ‘security agencies’ na maipagtanggol at pangalagaan ang interes ng bansa sa West Philippine Sea. Ito ang inihayag ni Philippine Coast Guard (PCG)

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top