Pagbisita ni St. Padre Pio sa Pilipinas, isang biyaya sa mga Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 582 total reads

Isang pambihirang pagkakataon ang nalalapit na pagbisita ng relikya ng puso ni St. Padre Pio sa Pilipinas.

Ayon kay Father Joselin Gonda – rector ng Shrine of St. Padre Pio sa Sto. Tomas Batangas, bihirang napahihintulutang ilabas ng Italya ang relikyang puso ni Padre Pio.

Dahil dito, isang malaking biyaya hindi lamang sa dambana ng Sto. Padre Pio sa Batangas, kundi maging sa mga pari, relihiyoso at relihiyosa at sa buong Pilipinas lalo na sa dami ng suliraning kinakaharap ngayon ng bansa.

“Medyo malaking pangyayari ito sapagkat yung puso mismo ni Padre Pio ang dadating. Very rare privilege and blessing na makaalis yung puso ni Padre Pio na makabisita dito sa atin. Kaya ito’y hindi blessing lamang sa Shrine, hindi lang blessing ito sa mga pari, blessing ito sa buong pilipino people sapagkat yung puso ni Padre Pio na hindi na agnas na patunay ng kan’yang kabanalan, patunay ng kan’yang pagmamahal ay bibisita sa atin, so magiging inspirasyon ito para sa mga Pilipino para mabigyan ng pag-asa, para maging mabuti, para maging banal.” pahayag ni Father Gonda sa Radyo Veritas.

Dahil dito, inanyayahan ni Father Gonda ang mga mananampalataya na bisitahin ang iba’t-ibang mga lugar na pagdadalhan ng relikya ni Padre Pio.

Sa ika-5 ng Oktubre nakatakdang dumating sa bansa ang relikya ng santo at mananatili ito sa dambana ni Sto. Padre Pio sa ika-6 hanggang ika-7 ng Oktubre.

Kasunod nito ay dadalhin sa Manila Cathedral sa Oktubre 8 hanggang 10 ang relikya at ililipat naman sa Cebu Cathedral sa Oktubre 11 hanggang 13.

Dadalaw din ang puso ni Padre Pio sa Davao Cathedral sa ika-14 hanggang 16 ng Oktubre, bago ito bumalik sa Batangas sa ika-17 ng buwan at mananatili na sa National Shrine of St. Padre Pio simula ika-18 hanggang ika-26 ng Oktubre.

“Inaanyayahan ko po kayong lahat mga Pilipino mga mananampalataya na bumisita mag-venerate igalang ang puso ni Padre Pio na darating dito sa ating bansa. Mananatili po sa ating bansa ng dalawampung araw, sampung araw po sa National Shrine, tatlong araw po sa Manila, tatlong araw po sa Cebu, tatlong araw po sa Davao, lahat po ng tao sana makarating, makapagbigay galang at makahingi ng biyaya sa Diyos sa tulong ni Padre Pio, at ito’y maging biyaya sa ating buong bansa.” Dagdag pa ng Pari.

Umaasa si Father Gonda na ang natatanging pagkakataong ito para sa mga Pilipino ay magiging daan upang lalo pang mapayabong ng bawat isa ang kanilang pananalangin at pagtitiwala sa Panginoon.

Ipinagdarasal ng Pari na matularan din ng mga mananampalataya, ang kadalisayan at katapatang taglay ng puso ni Padre Pio.

Una nang dinala ang relikya ng puso ni Padre Pio sa Amerika, Paraguay, at Argentina at ang Pilipinas ang ika-apat sa mapapalad na bansang mabibisita nito.

 

 

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 93,327 total reads

 93,327 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 187,357 total reads

 187,357 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 231,625 total reads

 231,625 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 254,734 total reads

 254,734 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 325,619 total reads

 325,619 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 33,191 total reads

 33,191 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 26,094 total reads

 26,094 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top