Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tagumpay ng mga nanay

SHARE THE TRUTH

 162 total views

Mga Kapanalig, pasado na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na magpapahaba sa maternity leave ng ating mga manggagawang ina. Sa ilalim ng Expanded Maternity Leave Bill, gagawing 100 araw ang dating 60 araw na maternity leave. Nakapagpasá na ang Senado ng katulad na panukalang batas noong Marso kung saan 120 araw ang mungkahi nilang itatagal ng maternity leave.

Maituturing na tagumpay ng mga manggagawang nanay ang nalalapit na pagsasabatas ng Expanded Maternity Leave Bill, lalo pa’t ang Pilipinas (kasama ang Malaysia) ang may pinakamaikling maternity leave sa Timog Silangang Asya. Sa Vietnam, ang mga babaeng bagong panganak ay may hanggang 180 araw para makapag-leave sa trabaho; 112 araw naman sa Singapore, 105 na araw sa Brunei at Laos, at 90 na araw sa Indonesia, Cambodia, at Thailand. Mas mababa ang 60 araw na maternity leave sa Pilipinas sa minimum na 14 na linggo o 98 na araw na inirerekomenda ng International Labor Organization o ILO.

Ayon kay Senadora Risa Hontiveros, ang may-akda ng panukalang batas sa Senado, mahigit dalawang dekada nang hinihintay na maisabatas ang karagdagang araw ng pahinga para sa mga bagong panganak na manggagawang ina sa pribado at pampublikong sektor. Ayon sa Philippine Legislators’ Committee on Population and Development o PLCPD, isang NGO na kinabibilangan ng mga mambabatas at isa sa mga pangunahing nagtutulak ng panukalang batas na ito, inabot ng dalawang taon mula sa unang pagdinig nito sa plenaryo ng Mababang Kapulungan bago ito pumasa sa ikatlo at huling pagbasa.

Lumalabas sa mga pag-aaral na ang karagdagang araw ng leave ay may positibong epekto sa kalusugan hindi lamang ng mga nanay kundi pati ng mga bagong silang na sanggol. Kung mas mahaba ang maternity leave ng mga nanay, mas makapagpapasuso sila sa kanilang mga sanggol. Ang mas mahabang maternity leave ay maganda rin sa pagbubuo ng ugnayan o bonding sa pagitan ng nanay at ng kanyang sanggol. Karagdagang oras rin ito ng pahinga para sa mga nanay, mas mahabang panahon upang ipahinga ang kanilang katawan bago muling sumabak sa trabaho.

Ngunit bago pa man tuluyang maisabatas, dadaan ang Expanded Maternity Leave Bill sa bicameral conference kung saan itatakda ng mga mambabatas kung magiging 100 o 120 araw ang haba ng bagong maternity leave. Mahalagang tutukan ang bicameral conference dahil dito tatalakayin ang agam-agam ng ilang taga-pribadong sektor. Nangangamba kasi ang ilan sa kanila kung kakayanin nilang ibigay ang bayad para sa manggagawang inang nasa mas mahabang leave. Nakalulungkot na pabigat ang turing ng ilang sektor sa pagbibigay ng nararapat na pahinga sa mga manggagawa nilang nanganak. Baka gamitin pa itong dahilan ng ilang negosyante upang hindi kumuha ng babaeng trabahador.

Hindi matatawaran ang sakripisyo at paghihirap ng mga nanay sa kanilang pagdadalang-tao at panganganak upang magbigay ng bagong buhay. Sabi nga ni Pope Francis sa Amoris Laetitia, ang pagsalubong sa bagong sanggol ay pagsalubong rin sa biyaya ng Panginoon sa isang mag-anak. Sinasabi ring nararamdaman ng sanggol ang pag-ibig ng Panginoon sa pagdaloy ng pag-ibig ng kanyang nanay at tatay. Kinikilala ng ating Santa Iglesia ang natatanging papel ng nanay sa pag-aaruga sa kanyang anak. Hindi nga ba’t ang galak ng Panginoon sa pagdadalantao ng ilang nanay sa Bibliya ay inihahayag pa ng mga anghel?

Mga Kapanalig, sang-ayon sa pagbibigay-halaga ng ating Simbahan sa pamilya at buhay ang pagbibigay ng karagdagang oras sa mga nanay upang magpahinga at maalagaan ang mga bagong silang nilang anak. Panahon nang maisabatas ang Expanded Maternity Leave Act.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 2,081 total views

 2,081 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 9,563 total views

 9,563 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 22,703 total views

 22,703 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 28,676 total views

 28,676 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 34,431 total views

 34,431 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 2,082 total views

 2,082 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 9,564 total views

 9,564 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 22,704 total views

 22,704 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 28,677 total views

 28,677 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 34,432 total views

 34,432 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 40,211 total views

 40,211 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,295 total views

 41,295 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 36,676 total views

 36,676 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 48,680 total views

 48,680 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 56,722 total views

 56,722 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,279 total views

 48,279 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 46,704 total views

 46,704 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 48,490 total views

 48,490 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,415 total views

 45,415 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 59,729 total views

 59,729 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top