Mga parokya sa Luzon, gagamitin ding evacuation centers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 739 total reads

Patuloy ang ginagawang paghahanda ng mga kinatawan ng iba’t-ibang Diyosesis sa Northern Luzon para sa posibleng pinsala ng bagyong Ompong.

Ayon kay Rev. Fr. Andy Semana, Social Action Director ng Archdiocese of Tuguegarao, mayroon na silang isinagawang pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan para matiyak ang kaligtasan ng mga residente lalo na sa mga nasa coastal areas.

Batay sa pagtataya ni Fr. Semana nasa 13 Parokya sa 2 bikaryato ang Vicariate ng Sta. Ana at Vicariate ng Aparri ang mga pinaka-tinututukan nila sa ngayon.

“Within the Archdiocese of Tuguegarao ang Vicariate ng Sta Ana at Aparri ang mga maituturing na below sea level, sa ngayon wala pa tayong naka preposition na relief pero bukas naman ang ating simbahan para magsilbi na evacuation center,” pahayag ni Fr. Semana ng Arhcdiocese of Tuguegarao.

Paiwanag ng Pari ito ito rin ang mga labis na napinsala ng bagyong Lawin noong manalasa ito taong 2016.

Samantala, kakatapos lamang ng ginawang pagpupulong ng Social Action Center ng Diocese of Ilagan katuwang ang lokal na pamahalaan at iba pang mga kinatawan ng iba’t-ibang organisasyon sa lalawigan ng Isabela.

Sinabi ni Sr. Camille Marasigan, Social Action Coordinator ng Ilagan Diocese na patuloy ang kanilang ginagawang information dissemination at nagtalaga na sila ng mga tao na kikilos sa bawat parokya at bikaryato para sa isasagawang rapid assessment at mabilis na relief response matapos ang pananalasa ng bagyo.

“Nagkaroon na tayo ng information dissemination at nag-iikot tayo sa mga barangay. Madali tayo ngayon makakapag-update dahil sa binuo natin na team na per parish level at per vicariate level then meron din dito sa Diocese” pagbabahagi ni Sr. Marasigan

Sa Diocese of Laoag sa Ilocos Norte ay inihanda na ang pondo ng Alay Kapwa sa iba’t ibang Parokya para agarang magamit sakaling magsagawa sila ng relief operation.

Ayon kay Fr. Ronie Pillos, Social Action Director ng nasabing Diyosesis, bukas din ang kanilang mga parokya sakaling may mangailangan ng evacuation.

Magugunitang una ng nagpahayag ng pag-aalalala si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga lalawigan na maapektuhan ng bagyong Ompong kaya naman agad na nagpahayag ang Caritas Manila ng layunin na makatulong sa mga nasabing Diyosesis

Tinatayang nasa 31 probinsya ang makaranas ng epekto ng bagyong Ompong habang tinatahak ang direksyon pa kanluran.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 96,139 total reads

 96,139 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 190,169 total reads

 190,169 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 234,437 total reads

 234,437 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 257,546 total reads

 257,546 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 328,276 total reads

 328,276 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 110,446 total reads

 110,446 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top