Caritas Manila, magpapatayo ng 3-in-1 chapel sa mga lugar na apektado ng bagyong Ompong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 422 total reads

Hangad ngayon ng Caritas Manila na ipagtuloy ang programa para sa pagtatayo ng mga 3-in-1 chapel sa iba’t ibang lalawigan sa Luzon na nasira ng bagyong Ompong.

Ayon kay Father Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila at pangulong Radio Veritas, may 74 na 3-in-1 chapel na ang ipinatayo sa Leyte at Samar matapos ang pananalasa ng Super Typhoon Yolanda noong 2013.

“Matibay ang ating chapels sa Visayas yung tinamaan ng Yolanda 3-and-1 ‘yan. Kahit ang tinamaan ng bagyong Sendong sa Visayas at Mindanao matibay na ang mga chapels natin na puwedeng gamitin evacuation center may mga CR yan it can withstand 250 kph, strong winds hanggang 250 kph nasubukan na ‘yan. At ‘yan ang gusto nating replicate sa mga lalawigan,” ayon kay Fr. Pascual.

Sa kasagsagan ng bagyong Ompong ilang mga simbahan din ang nasira ng bagyo lalu na sa Hilagang Luzon na naglandfall noong Sabado ala-una kuwarenta ng madaling araw.

Kabilang sa mga nasirang simbahan ay ang St. Michael Archangel sa Gattaran, Cagayan.

Sinabi ni Father Pascual na ang 3-and-1 chapel ay maaring gamitin bilang simbahan, training centers at evacuation centers kapag may kalamidad at may kakayahang tumagal sa lakas ng hangin na 240 kilometro kada oras.

Idinagdag ni Father Pascual na nagpagawa na rin ang Caritas Manila sa Tagum sa Mindanao ng malaking bodega, training center, ambulansya at ang 40ft. container van na maaring gamitin sa mga rescue operations.

“It can go anywhere in Mindanao. Meron syang mobile clinic, office at rescue natin at magre-replicate din tayo sa Visayas,” dagdag pa ng pari.

Naunang nagpadala ng isang milyong pisong tulong ang Caritas Manila sa mga diyosesis na higit na naapektuhan ng bagyong Ompong sa Luzon.

Read: Caritas Manila, nagpadala ng 1-milyong pisong ayuda sa mga Diyosesis na tatamaan ng bagyong Ompong

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 22,720 total reads

 22,720 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 6,470 total reads

 6,470 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 47,033 total reads

 47,033 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 74,657 total reads

 74,657 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 122,922 total reads

 122,922 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 144,740 total reads

 144,740 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

VP Sara at asawa, may 51-baril

 21,929 total reads

 21,929 total reads Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Read More »
Scroll to Top