DENR at Benguet mining, Panagutin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 384 total reads

Dapat managot ang Benguet Mining Corporation at ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pagkamatay ng higit sa 50 minero at marami pang nawawala sa isang minahan sa Itogon,Benguet.

Ayon kay Jaybee Garganera ng Alyansa Tigil Mina, taong 2017 nang puntahan ang minahan ng DENR at ng Mines and Geosciences Bureau.

“Kinansela na ang kontrata nyan, kaya wala na dapat nag-ooperate dyan. Palagay ko po may pananagutan ang DENR, bakit hanggang ngayon merong pa ring pagmimina?,” ayon kay Garganera.

Kabilang sa mga nakuhang katawan sa gumuhong bunkhouse ang ilang mga bata na anak ng mga minero na silang nagbubutas sa mga bundok.

Ang Itogon Mines ay pag-aari ng Benguet Mining Corporation na kabilang sa 23 mga minahan na unang ipinag-utos na ipasara ni dating Environment Secretary Gina Lopez noong 2017.

Sinabi ni Garganera na base sa Auditing ng ‘mine audit’ ay wala ng operation ang Benguet corporation subalit ipina-subcontract ang minahan ng ginto sa mga small scale miners na ipinagbabawal sa batas.

“Practically abandon mine yan. Pero hindi pa po siya naidedeklarang abandon kasi buhay pa ang kontrata nya. Ang ilegal po na nangyari ay pina-subcontract sa small scale miners,” ayon kay Garganera.

Pebrero noong nakaraang taon, pinuri ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang pagpapara ng 23 minahan sa bansa dahil sa laki ng pinsalang dulot nito sa kalikasan.

Read: Cancellation ng 75-mining contracts, ipinagbunyi

Sa isang mensahe ng kaniyang Kabanalan Francisco sa ensiklikal na Laudato Si, binigyan diin nito na hindi dapat ipagpalit sa kaunlaran ang kaligtasan ng kalikasan at mamamayan.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 22,663 total reads

 22,663 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 6,375 total reads

 6,375 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 46,938 total reads

 46,938 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 74,569 total reads

 74,569 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 122,834 total reads

 122,834 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 144,654 total reads

 144,654 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

VP Sara at asawa, may 51-baril

 21,924 total reads

 21,924 total reads Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Read More »
Scroll to Top