Special Barangay at SK election sa Marawi city, Naging payapa at maayos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 576 total reads

Mapayapa at maayos ang isinagawang special Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Marawi City, Lanao del Sur matapos ipagpaliban ng ilang buwan dahil sa naganap na kaguluhan sa lugar.

Ito ang inihayag ni Atty. Rona Ann V. Caritos, Executive Director – Legal Network For Truthful Elections (LENTE) kaugnay sa katatapos lamang na halalang pambarangay sa syudad noong ika-22 ng Setyembre.

Batay sa monitoring ng LENTE, bagamat naging mapayapa sa pangkabuuan ang halalan ay mayroon paring mga election offenses.

Ayon kay Atty. Caritos kabilang sa mga paglabag ay ang pagkakaloob ng transportasyon ng mga lokal na pulitiko sa mga botante, pamamahagi ng mga campaign paraphernalia malapit sa mismong mga presinto, vote buying, pagboto ng mga watchers para sa mga botante at ang pananatili ng mga kandidato sa mga voting centers.

“The special conduct of the 2018 Marawi Barangay and SK elections was generally peaceful. Unfortunately, such peacefulness did not translate to the integrity of its conduct. On election day, the Legal Network for Truthful Elections (“LENTE”) observed the following election offenses: transportation provided by local politicians, distribution of campaign paraphernalia, vote buying, watchers were the ones voting for voters and presence of candidates in voting centers.” pahayag Caritos.

Gayunpaman, nilinaw ni Atty. Caritos na marami ring mga naipatupad na nakapagpadali at nakatulong upang mas maging maayos ang naturang special election tulad ng crowd control at exclusive lane para sa mga Persons with Disability (PWD), senior citizens at mga nagdadalang tao.

Pinuri rin ng LENTE ang paggabay ng mga election officers sa kung saan boboto ang mga botante.

Matatandang pansamantalang ipinagpaliban ng Commission on Elections ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa lugar noong Mayo dahil sa epekto ng katatapos pa lamang na sagupaan sa syudad.

Batay sa tala may humigit kumulang 50,000 ang bilang ng mga botante sa Marawi City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 26,622 total reads

 26,622 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 253,750 total reads

 253,750 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 147,217 total reads

 147,217 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 241,247 total reads

 241,247 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 284,243 total reads

 284,243 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top