Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Nagbabalat-kayong totalitaryanismo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,023 total views

Mga Kapanalig, malaking balita noong nakaraang linggo ang pagdakip kay opposition senator Antonio “Sonny” Trillanes IV matapos ipawalambisa ni Pangulong Duterte ang amnestiyang iginawad sa senador matapos ang pangunguna nito sa pag-aalsa laban sa administrasyong Arroyo. Nakapagpiyansa siya at ngayon nga’y nakauwi na sa kanyang pamilya.

Ngunit hindi natin ito ikinagulat. Naging tatak na ng administrasyong Duterte na wasakin ang kredibilidad ng mga pumupuna sa mga patakaran at pangungusap nito. Una na riyan si Senadora Leila de Lima na nakakulong pa rin hanggang ngayon sa kasong hindi pa rin malinaw ang batayan. Ang alam lang natin, isa ang senadora sa mga unang pumuna sa brutál na kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

Nakita rin natin kung paano binaluktot ng administrasyon, katuwang ang mga kaalyado sa Kongreso at Korte Suprema, ang batas upang patalsikin si Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Sa halip na idaan sa impeachment trial ang sinasabing kaso laban sa punong mahistrado, idinaan ito sa quo warranto na hindi naman pinahihintulutan ng ating Saligang Batas.

Pati ang Simbahang Katolika, target din ng administrasyon. Hindi na natin mabilang ang mga pagkakataong ginamit ng pangulo ang kanyang mga talumpati upang siraan ang Simbahang pumupuna sa mga patakarang hindi iginagalang ang buhay ng tao. Ang mga napapatay na pari, ginagawan niya ng intriga. Ang mga dayuhang misyonero, hindi rin exempted sa mga paninira ng pangulo.

At ngayon nga, si Senador Trillanes naman ang pinag-iinitan ng administrasyon. Hindi na kaila sa atin ang pagiging kritiko ng senador, at inamin naman ito ng tagapagsalita ng pangulo. Sabi ng presidential spokesperson, sadyang inuna ng administrasyon ang senador bilang lider ito ng Magdalo, ang grupo ng mga dating sundalong nagrebelde laban kay dating Pangulong Arroyo.

Mga Kapanalig, mahalaga sa demokrasya ang pagkakaroon ng magkakaibang pananaw sa mga isyung kinakaharap ng bayan. Pinahahalagahan sa isang demokrasya ang malayang pagpapahayag ng pananaw at saloobin ng mga tao at grupong bumubuo sa isang lipunan dahil sa pamamagitan ng pagsusuri at pagtitimbang sa mga ito, nalalaman natin kung ano ang nararapat na gawin para sa tunay na ikabubuti ng lahat. Halimbawa, sa isyu ng ilegal na droga, mahalagang isinasaalang-alang ng mga bumubuo at nagpapatupad ng mga batas ang sinasabi ng ibang hindi matutuldukan ang problemang ito sa pamamagitan ng pagpatay at pagpapalaganap ng kultura ng takot sa mga mamamayan. Subalit, kung ang paiiralin ng mga may katungkulan ay ang paraang sa kanilang paniwala’y epektibo at tama, pagdidikta na ang kanilang ginagawa. Taliwas na iyon sa diwa ng demokrasya.

Mahalaga rin sa demokrasya ang magkakaibang pananaw upang maging mas malinaw sa atin kung anu-ano ang pinahahalagahan natin bilang isang bayan—anu-ano ang values natin bilang isang sambayanan. Hindi ito mangyayari kung igigiit ng iilan ang mga values na para sa kanila’y wasto at nararapat. Halimbawa, kung ang sinasabi ng mga lider natin ngayon ay walang karapatang pantao ang mga drug addict, masasabi rin ba nating ang mga Pilipino ay walang pagpapahalaga sa buhay ng kanyang kapwa? Hindi rito naniniwala ang mga kritiko ng kasalukuyang administrasyon kaya’t gumagawa sila ng mga paraan upang ipakita sa mga nasa poder na may mali sa pinaiiral nilang kaisipan at ipinatutupad na patakaran.

Ngunit ano ang tugon ng administrasyon sa mga pumupuna sa mga ginagawa nito? Sa halip na mahinahon at matalinong makipagtalastasan, ipinakukulong nila ang kanilang mga kritiko, sinisiraan nila ang mga ito gamit ang tsismis at intriga. Sa maikling salita, pinatatahimik sila.

Mga Kapanalig, sabi nga ni St John Paul II sa Centesimus Annus, “democracy without values easily turns into open or thinly disguised totalitarianism.” Anu-anong values ang tinutungnungan ng demokrasya sa Pilipinas? Hindi kaya nagbabalat-kayo lamang bilang demokrasya ang totalitaryanismong umiiral sa atin ngayon?

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

INTELIHENSIYANG POLPOL

 42,138 total views

 42,138 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 64,204 total views

 64,204 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 79,900 total views

 79,900 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 87,235 total views

 87,235 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 148,305 total views

 148,305 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

INTELIHENSIYANG POLPOL

 42,139 total views

 42,139 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 64,205 total views

 64,205 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 79,901 total views

 79,901 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 87,236 total views

 87,236 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »
Scroll to Top