Pag-amin ng Pangulong Duterte sa EJKs,gagamiting ebidensiya sa ICC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 443 total reads

Maaring gamiting ebidensya laban sa Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-amin nito ng kasalanan sa ‘Extra Judicial Killings’ na nagaganap sa bansa dulot ng kanyang war against drug campaign.

Ito ang inihayag ng dating mambababatas na si Atty. Neri Colmenares at kasalukuyang din counsel ng pamilya ng mga biktima ng EJK sa kasong isinimute sa International Criminal Court.

Ayon pa kay Colmenares, inihahanda na rin nila ang pagsusumite ng pag-amin ng Pangulo bilang ebidensya sa pandaigdigang hukuman.

“We are now preparing… para i-submit ang proof ng Admission na ‘yan ni President Duterte,” ayon kay Colmenares.

Naniniwala din si Colmenares na hindi sapat ang pagpapasinungaling ng mga miyembro ng gabinete para ipagtanggol ang Pangulo sa binitawan nitong pahayag.

“In any case that is their defense. Kasi under the rules of court admissible as evidence yung public statement nya. Rule 130, section 26 ng Rules of Court ng Pilipinas any admission by a party to the case for example should be admissible in court,” paliwanag pa ni Colmenares.

Noong nakalipas na buwan nang magsumite ng reklamo sa ICC ang pamilya ng mga biktima ng extra judicial killings sa kampanya kontra droga ng administrasyon.

Sa pinakahuling tala ng Philippine National Police (PNP) higit sa 20 libo na ang bilang ng mga napapaslang.

Buwan ng Hulyo nang isagawa ng mga Simbahan sa Pilipinas ang ‘Day of Mourning and Reparation’ dahil sa mga pagpaslang na naghihikayat sa bawat isa na magdasal at magsisi para sa paghilom ng bayan dahil sa dami nang insidente ng pagpatay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 31,092 total reads

 31,092 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 257,917 total reads

 257,917 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 151,384 total reads

 151,384 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 245,414 total reads

 245,414 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 288,162 total reads

 288,162 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top