Pelikulang “An Interview with God, umani ng papuri

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 574 total reads

Pinuri ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, Vice-President ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, ang pelikulang “An Interview with God”.

Ayon sa Obispo, napakaganda at malikhain ang ipinakitang konsepto sa pelikula kung saan naipakita ang tunay na katanungan ng mga pangkaraniwang tao at ang mga suliraning pinagdadaanan ng bawat indibidwal.

“I didn’t expect it to be exciting, akala ko makakatulog ako pero it was really gripping, napaka imaginative nung nag produce noon, because he was able to put in yung mga tunay na questions ng mga tao ngayon.Siguro kung may Filipino version n’yan that would be nice.” pahayag ng Obispo.

Dagdag pa nito, isa sa karaniwang suliranin na naipakita sa pelikula ay ang depresyon na kinakaharap din ng napakaraming tao.

Kasama na ang kawalang pag-asa, ang pagtanggi sa pangangailangan nito ng tulong, at ang pagkabulag ng tao sa pagmamahal na ipinakikita at ipinadarama ng Diyos.

“Sa sitwasyon natin ngayon, napakaraming mga tao who are going through depression, nawawalan ng pag-asa sa buhay na walang duda kailangan nila ang Diyos. Pero kung minsan kailangan nilang aminin na kailangan nila ang Diyos. Kung minsan ang tao nagkukunwaring, “kaya ko naman, ganun ang dating ng mama dun sa pelikula. Ang Diyos na yung nangungulit, “nandito ko para sayo”, tapos pilit n’yang ini-snob yung Panginoon,” paliwanag ng Obispo sa Radyo Veritas.

Dahil dito, ipinaalala ni Bishop David na tulad din ng ipinakita sa pelikula ay tunay na laging nariyan ang Panginoon para sa bawat tao.

Sinabi ng Obispo na kinakailangan lamang na matuto tayong makinig at makita ang mga senyales na ipinamamalas ng Diyos at magising sa katotohanan kung saan tayo nais dalhin ng Panginoon.

“Nand’yan lang ang Panginoon – He cares. May mga moments of awakening din at yun ang tuwang-tuwa ako kung papaano n’ya dinala doon sa “this is a sign.” Awakening na, napakabulag ko naman, ito pala, dito pala N’ya ako dinadala, and I keep running away from Him.” Dagdag pa ng Obispo

Ang ipinalabas na “An Interview with God” sa Cinema 6 ng Trinoma Mall Quezon City ay Special Screening na bahagi ng nalalapit na gintong anibersaryo ng Radio Veritas sa taong 2019 sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng himpilan sa Pioneer Films.

Kabilang sa mga dumalo sa special screening sina Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, Radio Veritas Vice President Father Bong Bongayan, Radio Veritas Vice President for Operations Father Roy Bellen, at Veritas Asia General Manager Father Vic Sadaya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 32,922 total reads

 32,922 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 259,572 total reads

 259,572 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 153,039 total reads

 153,039 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 247,069 total reads

 247,069 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 289,737 total reads

 289,737 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 34,284 total reads

 34,284 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 27,184 total reads

 27,184 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top