Pagwawakas ng karahasan at patayan, kahilingan ng mga taga-Cebu kay Saint Padre Pio.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 362 total views

Isama sa ating pananalangin ang kapayapaan, pagtatapos ng karahasan at patayan.

Ito ang kahilingan ni Cebu Auxiliary Bishop Oscar Jaime Florencio sa mga deboto ni Santo Padre Pio sa pagbisita ng kaniyang ‘incorrupt heart’ sa Cebu City simula sa ika-11 hanggang ika-14 ng Oktubre.

“And at the same time Pray also for Peace and for, hindi na kaaya-aya na pangyayari tulad ng pagpatay dito sa Cebu and all other na ang mga tao na tumigil na sa hindi kaaya-ayang paglabag sa batas,” ayon kay Bishop Florencio sa panayam ng Radio Veritas.

Dagdag pa ng Obispo, dapat maging pananggalang laban sa karahasan ang pagdarasal at pagsasabuhay ng kabutihan.

Noong October 4, lima katao ang napatay sa isang pananambang sa Malubog Cebu kung saan isa sa dalawang ‘survivor’ ang nasa kalinga ng Arkidiyosesis.

Bukod pa ito sa pagkakapaslang sa 9 katao kaugnay naman sa ‘one time, big time police drug operation’ sa Talisay, Cebu at Lapu-Lapu City.

“And to live-up to Christian ideals and be more prayerful because the devil is also working double time. Even there are many Saints and incorrupt relics and so forth. Kung hindi din tayo magdarasal the devil will still even use the relics to his advantages,” ayon kay Bishop Florencio.

Alas-11 ng umaga ang inasahang pagdating ng ‘Incorrupt Heart’ ni Padre Pio mula sa Maynila at dadalhin sa Cebu Metropolitan Cathedral.

Pangungunahan naman ni Cebu Archbishop Palma ang ‘Welcome Mass’ na susundan naman ng ‘veneration’ para sa mga deboto ni Padre Pio.

Bukod sa pagbibigay galang sa ‘Incorrupt heart’ ni St. Padre Pio, magkakaroon din ng vigil at katesismo para sa mga deboto.

Dadalhin din ang ‘hindi naagnas na puso’ ni Padre Pio sa IEC-3 Convention Center para naman sa isasagawang ‘recollection’ ng mga pari at religious congregation ng Cebu bilang bahagi ng pagdiriwang ng simbahan ng ‘Year of the Clergy and Consecrated Person’.

Ang Archdiocese of Cebu ay binubuo ng walumput walong porsiyento ng mga katoliko mula sa kabuuang limang milyong populasyon.

Ang arkidiyosesis din ay may higit sa anim na raang mga pari na silang nangangasiwa sa 165 na mga Parokya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 93,231 total views

 93,231 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 136,839 total views

 136,839 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 219,020 total views

 219,020 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 228,681 total views

 228,681 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

11-member prosecution panel, buo na

 10,136 total views

 10,136 total views Pormal nang binuo ng Kamara de Representantes ang 11-miyembrong prosecution panel na hahawak sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Scroll to Top