Caritas Manila, umaapela ng suporta para sa Celebrity Bazaar

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 588 total views

Umaapela ng pakikibahagi si Rev. Fr. Anton CT Pascual ang Executive Director ng Caritas Manila at Pangulo ng Radyo Veritas para sa ikalawang edisyon ng Celebrity Bazaar ng Caritas Manila- Segunda Mana.

Nakatakda ang ikalawang Celebrity Pre-Loved Luxury Bazaar sa Huwebes, ika-18 ng Oktubre ganap na ala-una ng hapon hanggang alas-dyes ng gabi sa SM Megamall Atrium.

Ayon kay Fr. Pascual, layunin ng muling pagsasagawa ng Celebrity Bazaar ng Caritas Manila-Segunda Mana na makalikom ng sapat na pondo para sa Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP) ng Caritas Manila na nagkakaloob ng scholarship program sa mga mahihirap na mag-aaral sa buong Pilipinas.

“Inaanyayahan natin ang ating mga kapanalig sa Thursday, October 18, 1:00pm to 10:00pm sa ating second Celebrity Bazaar na gagawin sa SM Megamall, ang layunin po nito ay itinda natin ang mga dinonate ng mga celebrities ninyo at mga paborito nating artista at ang malilikom na pondo ay gagamitin natin sa ating YSLEP Education Program…” paanyaya ni Father Pascual sa panayam sa Radyo Veritas.

Katuwang ng Caritas Manila – Segunda Mana sa ikalawang edisyon ng Celebrity Pre-Loved Luxury Bazaar ang kilalang celebrity at fashionista na si Heart Evangelista-Escudero na nagpahayag ng suporta sa layunin ng Caritas Manila na makapagkaloob ng scholarship sa mas madaming mag-aaral sa buong bansa.

“First the love of God has no boundaries and you know Caritas has been helping everyone and that’s 5,000 scholars and 4,000 volunteers, so it’s a really big organization and this is their 2nd Celebrity Bazaar, so nung narinig ko na magiging parte ako nito, magiging face ako nito syempre of course I’ll go for it and its very important to create awareness syempre bilang artista, bilang you know pina-follow ka sa social media small or big platform it’s important to give back and to help hindi naman kami binigyan ng ganitong biyaya ng Diyos para lang sa amin diba, may purpose din ito so kapag may mga opurtunidad na mga ganito, talagang tini-take ko siya and I really do the best that I can, so it’s an honor to be part of it…” pahayag ni Heart Evangelista-Escudero.

Matatadaang, Disyembre 2016 ng unang isinagawa ng Caritas Manila – Segunda Mana ang Celebrity Bazaar sa Glorietta 5, Ayala Center sa Makati City katuwang si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach kung saan nakalikom ng mahigit sa 3 milyong pisong pondo mula sa mga donasyong gamit ng iba’t ibang kilalang personalidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 80,240 total views

 80,240 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 123,848 total views

 123,848 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 206,318 total views

 206,318 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 217,355 total views

 217,355 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top