Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hanggang kailan tayo mamamaluktot?

SHARE THE TRUTH

 312 total views

Mga Kapanalig, may kasabihan tayong mga Pilipino na kapag maikli ang kumot, matutong mamaluktot. Nangangahulugan itong kailangan nating maging masinop sa ating pera at maghinay-hinay sa ating paggastos. Magandang katangian ito, ngunit paano naman kung hindi na natin mabili maging ang mga pangunahing pangangailangan natin kahit ano pang paghihigpit ng sinturon ang gawin natin? Hanggang kailan tayo mamamaluktot?

Patuloy nating nararanasan—lalo na ng mahihirap nating kababayan—ang matinding epekto ng mabilis na pagtaas na presyo ng mga bilihin. Nitong Setyembre, umabot sa 6.7% ang inflation rate o ang bilis ng pagtaas ng halaga ng mga bilihin. Ang nakababahala pa, mas mabilis ang pagtaas ng presyo ng pagkain at transportasyon. Ang presyo ng pagkain at mga inuming di-nakalalasing ay umakyat nang mas mabilis kaysa sa ibang produkto—9.7%. Samantala, umabot naman sa 8% ang inflation rate sa transportasyon. Hindi rin pantay-pantay ang nararanasang pagtaas ng presyo ng mga bilihin ng mga Pilipino sa iba’t ibang lugar. Kung 6.3% ang inflation rate dito sa Metro Manila, umabot naman ito ng 10.1% sa Bicol at 9% sa ARMM, mga rehiyong mataas ang antas ng kahirapan. Kung inflation sa presyo ng bigas ang pag-uusapan, pumalo ito nang mahigit 10% sa Ilocos Region, Bicol, at Zamboanga Peninsula.

Kaya naman, hindi na nakapagtataka ang resulta ng pinakahuling survey na ginawa ng Social Weather Stations o SWS kung saan lumabas na 3 sa 10 Pilipino o 31% na lamang ang naniniwalang gaganda ang kalagayan ng ekonomiya ng bansa. Malayo na ito sa 60% noong nagsimula ang panunungkulan ni Pangulong Duterte. Mas marami na rin ang nagsabing mahirap sila. Mula 48% noong Hunyo, ang tinatawag na self-rated poverty ay umakyat sa 52%, na katumbas ng 12.2 milyong pamilya.

Maraming dahilan kung bakit tayo nasa ganitong kalagayan ngayon, kabilang ang mga nangyayari sa labas ng ating bansa na nakaapekto sa ating ekonomiya gaya ng pagtaas ng halaga ng langis sa world market at paghina ng halaga ng piso. Gayunman, mas malaki ang epekto ng mga patakarang ipinatutupad ngayon dito sa atin, gaya ng mas mataas na excise tax sa inaangkat nating produktong petrolyo. At kung mataas ang presyo ng petrolyo, tiyak na magmamahal ang mga bilihin. Hindi rin nakatutulong ang mabagal na pagtugon ng pamahalaan sa isyu ng kakulangan ng suplay ng bigas, na nagdulot naman ng pananamantala ng mga negosyante. Nangyayari ang lahat ng ito ngayong ipinatutupad na ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act o TRAIN, kaya’t may mga nagsasabing “wrong timing” ang pagsasabatas nito.

Hindi naman natin inaasahan ang pamahalaang matutugunan ang ugat ng problema ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa loob lamang ilang araw o ilang buwan. Ngunit sa halip na tanggaping may problemang kinakaharap ang ating ekonomiya at agapan ang sitwasyon bago pa ito mas lumalâ, nakikita natin ang ating mga lider na pamumulitika at paninira sa kanilang mga kritiko ang inaatupag.

Sa mga panlipunang turo ng Simbahan, binibigyang-diin ang tungkulin ng pamahalaan sa pagtiyak sa kabutihan ng lahat o ang common good. Nakaatang din sa pamahalaan ang paggabay sa mga mamamayan upang magampanan natin ang ating tungkulin sa iba at sa bayan. Bagamat dapat panatilihing maliit ang papel ng pamahalaan sa mga bagay na kayang tugunan ng mga mamamayan, batay na rin sa prinsipyo ng subsidiarity, hindi dapat maging pabayâ ang pamahalaan sa malalaking isyung katulad ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at mabagal na paglago ng ekonomiya.

Kaya mga Kapanalig, hindi paglalabis ang hilingin sa ating mga lider na tutukan nila ang ating ekonomiya. Marapat lamang na pagsikapan nilang tutukan ang mga isyung ‘ika nga’y malapit sa ating sikmura. Maraming solusyon ngunit ang aksyon ay dapat nang gawin ngayon.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 821 total views

 821 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 13,961 total views

 13,961 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 19,934 total views

 19,934 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 25,689 total views

 25,689 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 32,952 total views

 32,952 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 822 total views

 822 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 13,962 total views

 13,962 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 19,935 total views

 19,935 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 25,690 total views

 25,690 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 32,953 total views

 32,953 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 40,649 total views

 40,649 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 36,030 total views

 36,030 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 48,034 total views

 48,034 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 56,076 total views

 56,076 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 47,633 total views

 47,633 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 46,058 total views

 46,058 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 47,844 total views

 47,844 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 44,769 total views

 44,769 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 59,083 total views

 59,083 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 62,773 total views

 62,773 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top