Caritas Manila, umaapela ng suporta para sa Celebrity Bazaar

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 663 total reads

Umaapela ng pakikibahagi si Rev. Fr. Anton CT Pascual ang Executive Director ng Caritas Manila at Pangulo ng Radyo Veritas para sa ikalawang edisyon ng Celebrity Bazaar ng Caritas Manila- Segunda Mana.

Nakatakda ang ikalawang Celebrity Pre-Loved Luxury Bazaar sa Huwebes, ika-18 ng Oktubre ganap na ala-una ng hapon hanggang alas-dyes ng gabi sa SM Megamall Atrium.

Ayon kay Fr. Pascual, layunin ng muling pagsasagawa ng Celebrity Bazaar ng Caritas Manila-Segunda Mana na makalikom ng sapat na pondo para sa Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP) ng Caritas Manila na nagkakaloob ng scholarship program sa mga mahihirap na mag-aaral sa buong Pilipinas.

“Inaanyayahan natin ang ating mga kapanalig sa Thursday, October 18, 1:00pm to 10:00pm sa ating second Celebrity Bazaar na gagawin sa SM Megamall, ang layunin po nito ay itinda natin ang mga dinonate ng mga celebrities ninyo at mga paborito nating artista at ang malilikom na pondo ay gagamitin natin sa ating YSLEP Education Program…” paanyaya ni Father Pascual sa panayam sa Radyo Veritas.

Katuwang ng Caritas Manila – Segunda Mana sa ikalawang edisyon ng Celebrity Pre-Loved Luxury Bazaar ang kilalang celebrity at fashionista na si Heart Evangelista-Escudero na nagpahayag ng suporta sa layunin ng Caritas Manila na makapagkaloob ng scholarship sa mas madaming mag-aaral sa buong bansa.

“First the love of God has no boundaries and you know Caritas has been helping everyone and that’s 5,000 scholars and 4,000 volunteers, so it’s a really big organization and this is their 2nd Celebrity Bazaar, so nung narinig ko na magiging parte ako nito, magiging face ako nito syempre of course I’ll go for it and its very important to create awareness syempre bilang artista, bilang you know pina-follow ka sa social media small or big platform it’s important to give back and to help hindi naman kami binigyan ng ganitong biyaya ng Diyos para lang sa amin diba, may purpose din ito so kapag may mga opurtunidad na mga ganito, talagang tini-take ko siya and I really do the best that I can, so it’s an honor to be part of it…” pahayag ni Heart Evangelista-Escudero.

Matatadaang, Disyembre 2016 ng unang isinagawa ng Caritas Manila – Segunda Mana ang Celebrity Bazaar sa Glorietta 5, Ayala Center sa Makati City katuwang si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach kung saan nakalikom ng mahigit sa 3 milyong pisong pondo mula sa mga donasyong gamit ng iba’t ibang kilalang personalidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 82,531 total reads

 82,531 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 129,918 total reads

 129,918 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 177,789 total reads

 177,789 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 281,737 total reads

 281,737 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 364,040 total reads

 364,040 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top