Lokal na Pamahalaan ng Pasay, tiniyak ang pakikiisa sa mga programa ng Caritas Manila.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 574 total reads

Patuloy ang Simbahan sa pagbuo ng mga gawaing makatutulong sa mahihirap sa lipunan kaakibat ang kabutihang-loob at pagiging masigasig.

Sa Apostolic Letter ng Kaniyang Kabanalan Francisco na Misericordia et Misera, binigyang-diin dito ang kahalagahan ng habag at awa sa pagsasabuhay ng mga Salita ng Diyos sa mga komunidad lalo na ang pagtulong sa mga dukha.

Kaugnay dito, tiniyak ni Pasay City Representative Imelda Calixto-Rubiano ang pakikiisa sa Simbahang Katolika sa paglingap sa mahihirap na mamamayan.

“Ano man po ang activities ng ating Simbahan, sa abot ng aming makakayanan tayo po ay nakikiisa at nakikipagtulungan.” pahayag ni Rubiano sa Radio Veritas.

Ang pahayag ng mambabatas ay kasabay ng pagdiriwang ng ika – 65 anibersaryo ng Caritas Manila kung saan isa ito sa mga tumutulong sa mga programa ng social action arm ng Arkidiyosesis ng Maynila.

Pagbabahagi ni Rubiano na kasalukuyang tinutulungan ng lokal na pamahalaan ng lungsod Pasay ang halos 60, 000 kabataang mag-aaral mula kinder hanggang kolehiyo sa programang pang-edukasyon ng lungsod.

Nakahanda ang lokal na pamahalaan na makiisa sa programang pang-edukasyon ng Caritas Manila ang Youth Servant Leadership Program na may 5, 000 estudyanteng tinutulungan sa buong bansa na walang sapat na kakayahang pinansyal para matustusan ang pag-aaral.

Binigyang-diin din ng mambabatas ang kahalagahan ng pagsunod sa kalooban ng Diyos sa paglilingkod sa bayan upang magabayan ng Panginoon.

“Pinakikita ko po at ng aming pamilya na kami ay modelo sa mamamayan at ang mga Salita ng Diyos ay amin pong isinasapuso at isinasabuhay.” ani ng mambabatas.

Una nang hinimok ng mga lider ng Simbahan ang mga namumuno sa pamahalaan na pangunahan ang pagkalinga sa nangangailangan sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 81,309 total reads

 81,309 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 128,784 total reads

 128,784 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 176,655 total reads

 176,655 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 280,603 total reads

 280,603 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 362,941 total reads

 362,941 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top