Pagpaslang sa 9 na Sakada workers sa Negros Occidental, kinundena ng CHR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 539 total reads

Nagpahayag ng pagkundina ang Commission on Human Rights sa pagpaslang sa 9 na manggagawa sa tubuhan o SAKADA sa Sagay City, Negros Occidental.

Iginiit ni CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia na hindi dapat ipagsawalang-bahala ang pagpaslang.

“The Commission on Human Rights condemns the killing of at least nine sugarcane farmers in Sagay City, Negros Occidental. It is most disturbing that death becomes the price of claiming one’s rights. This trend should not be allowed to continue anywhere and for any cause.” pahayag ni de Guia.

Ang buhay ay sagrado na dapat pinapahalagahan

Ito ang binibigyan diin sa Encyclical ni St. Pope John Paul the 2nd na Evangelium Vitae o The Gospel of Life.

Nakasaad sa ‘Encyclical” na hindi kailanman magiging katanggap-tanggap ang pagpaslang sa sinumang indibidwal.

Kaugnay nito, umaapela sa mga otoridad at pamahalaan ang CHR na bigyan ng katarungan ang pagpaslang at tugunan ang kalagayan at banta sa buhay ng mga manggagawa sa tubuhan.

Inihayag ni De Guia na magpapadala ang kumisyon ng fact-finding team upang magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon sa naganap na insidente.

“We call on the Government to assure that justice will be served but, at the same time, address the plight of farmers with respect to agrarian reform. CHR Region VI, through its sub-office in Bacolod City, has already sent a fact-finding team to find out the truth in the incident towards ascertaining accountabilities.” Pagtiyak ni de Guia.

Sa inisyal na ulat, naghahapunan ang mga biktima na miyembro ng National Federation of Sugar Workers sa loob ng Hacienda Nene ng pagbabarilin ng sinasabing 40-armadong lalaki.

Matatandaan sa inilabas na Pastoral Statement ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines noong 2013, nanawagan ang Simbahan sa pamahalaan na maging seryoso sa pagpapatupad ng mga repormang agraryo tulad ng CARPER upang mabigyan ng katarungan, dignidad at tamang benepisyo ang mga magsasaka.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 62,122 total reads

 62,122 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 110,869 total reads

 110,869 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 158,741 total reads

 158,741 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 262,687 total reads

 262,687 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 345,778 total reads

 345,778 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top