Mga Kristiyano, hinimok na maging Misyonero

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 701 total reads

Pinangunahan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Mission ang pagdiriwang ng Pandaigdigang Lingo ng Pagmimisyon sa Chapel of the Eucharistic Lord, SM Megamall, Mandaluyong City.

Hinamon ni Msgr. Esteban Lo, Executive Secretary ng CBCP Episcopal Commission on Mission at National Director ng Pontifical Mission Societies Philippines ang bawat Kristiyano na maging misyonero.

Ayon sa Pari, ang World Mission Sunday ay nagpapaalala sa bawat mananampalataya ng Pandaigdigang Misyon ng Simbahang Katolika na ipalaganap ang Mabuting Balita ng Panginoon.

At sa paghahanda sa nalalapit na pagdiriwang ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas, umaasa si Msgr. Lo na ang bawat Filipino saan mang panig ng mundo ay magiging mga Misyonero.

“Ang World Mission Sunday po ay nagpaalaala sa atin, nag e-encourage at ang challenge sa atin na suportahan po ang pandaigdigang mission ng buong Simbahan. In fact as we prepare for the 500 years of Christianity in the Philippines sa 2021, nawa po ang bawat Filipino ay maging Misyonero. By living the Christian life more fully, by being more active as Catholic ng sa ganun po sa ating salita at gawa ay maging living witnesses tayo.” pahayag ni Msgr. Lo sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag ni Msgr. Lo na sa simpleng pananalangin ay nakikibahagi na ang bawat tao sa unang hakbang sa pagmimisyon.

Sinabi ng Pari na kahit hindi makapunta ang isang mananampalataya sa malalayo at mahihirap na lugar sa mundo ay naipaaabot naman nito ang kanyang pananalangin.

Dagdag pa dito, mas maging epektibo ang pagdarasal kung masasamahan ito ng pagsasakripisyo.

“Una sa lahat sinabi ni Pope Francis na the first missionary act po ay dasal, at sinabi pa po ni Pope Francis na ito ang pinaka most effective na missionary act, bakit po? kahit sino pwedeng magdasal at kahit hindi tayo makapunta sa Thailand, Africa, India, but our prayer makararating doon and then pangalawa po we offer sacrifices, lalo na po yung mga may kapansanan may mga karamdaman at kahit sino sa atin kahit malusog tayo we can offer sacrifice.” Dagdag pa ni Msgr. Lo.

Ang World Mission Sunday ay sinimulan ni Pope Pius XI noong 1926, matapos hilingin ng Pontifical Society for the Propagation of the Faith na magkaroon ng isang araw na pagkilala sa mga Misyonero ng Simbahan, at upang ang bawat isa ay mahikayat na maging tagapagpakalat ng pananampalatayang katoliko.

Nitong Oktubre 21, 2018, ipinagdiwang ang ika-92 taong anibersaryo ng World Mission Day.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 62,388 total reads

 62,388 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 111,111 total reads

 111,111 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 158,983 total reads

 158,983 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 262,929 total reads

 262,929 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 346,012 total reads

 346,012 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 42,102 total reads

 42,102 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 34,982 total reads

 34,982 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top