Mga Kristiyano, hinimok na maging Misyonero

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 582 total views

Pinangunahan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Mission ang pagdiriwang ng Pandaigdigang Lingo ng Pagmimisyon sa Chapel of the Eucharistic Lord, SM Megamall, Mandaluyong City.

Hinamon ni Msgr. Esteban Lo, Executive Secretary ng CBCP Episcopal Commission on Mission at National Director ng Pontifical Mission Societies Philippines ang bawat Kristiyano na maging misyonero.

Ayon sa Pari, ang World Mission Sunday ay nagpapaalala sa bawat mananampalataya ng Pandaigdigang Misyon ng Simbahang Katolika na ipalaganap ang Mabuting Balita ng Panginoon.

At sa paghahanda sa nalalapit na pagdiriwang ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas, umaasa si Msgr. Lo na ang bawat Filipino saan mang panig ng mundo ay magiging mga Misyonero.

“Ang World Mission Sunday po ay nagpaalaala sa atin, nag e-encourage at ang challenge sa atin na suportahan po ang pandaigdigang mission ng buong Simbahan. In fact as we prepare for the 500 years of Christianity in the Philippines sa 2021, nawa po ang bawat Filipino ay maging Misyonero. By living the Christian life more fully, by being more active as Catholic ng sa ganun po sa ating salita at gawa ay maging living witnesses tayo.” pahayag ni Msgr. Lo sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag ni Msgr. Lo na sa simpleng pananalangin ay nakikibahagi na ang bawat tao sa unang hakbang sa pagmimisyon.

Sinabi ng Pari na kahit hindi makapunta ang isang mananampalataya sa malalayo at mahihirap na lugar sa mundo ay naipaaabot naman nito ang kanyang pananalangin.

Dagdag pa dito, mas maging epektibo ang pagdarasal kung masasamahan ito ng pagsasakripisyo.

“Una sa lahat sinabi ni Pope Francis na the first missionary act po ay dasal, at sinabi pa po ni Pope Francis na ito ang pinaka most effective na missionary act, bakit po? kahit sino pwedeng magdasal at kahit hindi tayo makapunta sa Thailand, Africa, India, but our prayer makararating doon and then pangalawa po we offer sacrifices, lalo na po yung mga may kapansanan may mga karamdaman at kahit sino sa atin kahit malusog tayo we can offer sacrifice.” Dagdag pa ni Msgr. Lo.

Ang World Mission Sunday ay sinimulan ni Pope Pius XI noong 1926, matapos hilingin ng Pontifical Society for the Propagation of the Faith na magkaroon ng isang araw na pagkilala sa mga Misyonero ng Simbahan, at upang ang bawat isa ay mahikayat na maging tagapagpakalat ng pananampalatayang katoliko.

Nitong Oktubre 21, 2018, ipinagdiwang ang ika-92 taong anibersaryo ng World Mission Day.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 40,107 total views

 40,107 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 114,721 total views

 114,721 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 194,800 total views

 194,800 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 237,939 total views

 237,939 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 236,621 total views

 236,621 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 348,053 total views

 348,053 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top