Publiko, pinag-iingat sa kandilang may nakakalasong kemikal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 394 total views

Nasasaad sa panlipunang katuruan ng simbahan na bagamat pabor ang Simbahan na kumita ang isang mamumuhunan ay kinakailangan na ang negosyo ay hindi nagdudulot ng kapahamakan sa kalusugan o sa buhay ng tao.

Dahil dito, pinaalalahanan ng grupong Ecowaste Coalition ang mamamayan na suriing mabuti ang mga kandila at pintura na gagamitin ngayong papalapit na ang undas.

Ayon kay Daniel Alejandre, Zero waste campaigner ng grupo karaniwang hinahaluan ng lead ang mga kandila at pintura upang maging matingkad ang kulay nito na mas kaakit-akit ito sa mata ng mga mamimili.

Paliwanag ni Alejandre, masama sa kalusugan lalo na ng mga bata, buntis at matatanda ang makalanghap ng usok ng kandilang mayroon lead.

Aniya, upang maiwasan ito ay mahalagang siyasatin ang lable ng mga kandila, o di kaya ay huwag nang bumili ng kandilang labis na matingkad ang kulay.

“Isa din sa paalala ng EcoWaste Coalition, ang mga kandila na ganitong klase ay masama sa kalusugan at nagdudulot ng sakit lalong lalo na sa mga buntis, mga bata at nakakatanda dahil ang kandila kapag naaapuyan at may content na lead, na e-expose sa usok yung chemical na sya nating nalalanghap,” pahayag ni Alejandre sa Radyo Veritas.

Sa mga pintura naman, ay mahalagang hanapin ang tatak na nagsasaad na “Lead Safe Paint” ito.

Sa United States Consumer Product Safety Commission 90 parts per million of lead ang itinalagang limitasyon para sa mga pintura at kagamitan ng tao.

Ayon kay Alejandre,matagumpay ang kasalukuyan nilang kampanya para sa lead safe paint dahil marami ng lokal na pamahalaan ang tumatalina at nakakaunawa ng epekto ng lead o tingga sa kalusugan ng tao.

“Matagumpay itong kampanyang ito dahil marami nang local government na tumatalima sa mga probisyon, at nakakaintindi na sa posibleng dulot ng lead sa mga tao. Meron na tayong mga pintura at yung mga pinturang ito ay mayroon ng logo sa pagiging lead safe o ligtas sa tingga at piliin po natin yung pintura na may logo ng lead safe paint.” Dagdag pa ni Alejandre.

Sa linggo ika-28 ng Oktubre pormal na ilulunsad ng EcoWaste Coalition ang kampanya nitong “Igalang ang sementeryo, igalang ang kalikasan.”

Naniniwala ang grupo na pangunahing pa ring dapat bantayan ay ang pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran lalo na sa lugar kung saan binibigyang pagpapahalaga at inaalala ng bawat isa ang kanilang mahal sa buhay na yumao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 47,550 total views

 47,550 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 43,419 total views

 43,419 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 79,621 total views

 79,621 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 88,324 total views

 88,324 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 113,605 total views

 113,605 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 324,847 total views

 324,847 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top