Bishop Bastes kay Sr. Fox: Salamat sa 27-taong pagmamalasakit sa mga Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 424 total views

Nagpaabot ng pasasalamat ang Catholic Bishops Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Mission sa Australian missionary-nun na si Sr. Patricia Fox sa pagsasakripisyo at pag-aalay nito ng kanyang buhay para sa mga Filipino sa loob ng mahabang panahon.

Ayon kay Sorsogon Bishop Arturo Bastes, Chairman ng CBCP-ECM, hindi matatawaran ang pagmimisyon ng madre sa bansa na inalay ang 27-taon ng kanyang buhay para sa mga Filipino.

“Sister I would like to express my gratitude in the name of all the Filipinos especially of the fellow missionaries like me for having sacrifice and sharing your life with us for many many years,” ang bahagi ng pahayag Bishop Bastes sa panayam sa Radyo Veritas.

Nawa ayon sa Obispo, ituring na panibagong hamon ni Sr. Fox sa kanyang pagiging misyonero ang pag-uusig ng pamahalaan upang mabigyan ng kamalayan ang mga publiko sa kung ano ang tama o mali at ang kaibahan ng tunay na undesirable o desirable alien na ipinaparatang sa kanya ng pamahalaan.

“First of all gratitude, I would like also to express how we appreciate the work of missionaries, we need more missionaries so Sister despite the fact that you are suffering take it as another challenge of yours that your persecution by the government will get down to the glory of God and can make people more and more aware of what is really wrong and what is right to make the people more aware what is, who is undesirable or desirable alien,” dagdag pa ng Obispo.

Dismayado rin ang Obispo sa nakatakdang pag-alis ni Sr. Fox dahil sa deportation order ng Bureau of Immigration dahil sa sinasabing pagiging undesirable alien ng madre.

Paliwanag ni Bishop Bastes, hindi maituturing na isang undesirable alien si Sr. Fox sapagkat ginagawa lamang nito ang kanyang tungkulin bilang isang misyonero kung saan lubos ang paghanga at pasasalamat sa kanya ng mga katutubong Lumad na kanyang natulungan.

Giit ng Obispo, kinakailangan ng Simbahan ang mga misyonerong katulad ni Sr. Fox na bagama’t dayuhan ay lubos naman ang pag-aaruga sa mga mahihirap na Filipino.

Tiniyak rin ni Bishop Bastes ang patuloy na pananalangin para kay Sr. Fox na bagamat kinakailangan na pansamantalang umalis ng Pilipinas sa ngayon ay muli namang makabalik sa bansa sa hinaharap.

Nakatakdang mag-alay ng ‘Farewell Mass’ ang mga taga-suporta ni Sr. Patricia Fox bago ang kanyang pag-alis sa Pilipinas.

Isasagawa ang misa ng pasasalamat kay Sr. Fox sa St. Joseph College, E. Rodriguez, Quezon City sa Sabado, ika-3 ng Nobyembre ganap na 10:00 ng umaga.

Ang pag-alis sa bansa ni Sr. Fox ay alinsunod na rin sa pagsasantabi ng Bureau of Immigration sa panibagong application for extension ni Sr. Fox sa iginawad na Temporary Visitors Visa na mayroon lamang 59-day validity matapos na mapaso ang kanyang Missionary Visa noong ika-5 ng Setyembre.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 37,026 total views

 37,026 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 111,640 total views

 111,640 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 191,719 total views

 191,719 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 234,858 total views

 234,858 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 233,726 total views

 233,726 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top