Lahat ng tao ay tinatawagan na maging banal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 557 total reads

Ito ang paalala ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa mananampalataya kasabay ng paggunita ng Araw ng mga Santo sa Unang Araw ng Nobyembre.

“Gipasidunggan nato karon ang mga Santos diha sa Simbahan ug sa atong pagpasidungog kita usab gipahinumduman nga matag usa nato gitawag ta nga mahimong balaan, mahimong santos dinhi sa Kalibutan. [Pinararangalan natin ngayon ang mga Santo ng Simbahang Katolika at kasabay nito tayo ay pinaalalahanan na bawat isa sa atin tinawag upang maging Banal dito sa sanlibutan.]” bahagi ng pagninilay ni Bishop Uy.

Ayon sa Obispo, ang pagiging Santo ay hindi nangangahulugan ng kawalang kasalanan sapagkat ang mga Santo ay may nagawang pagkakasala at pagkukulang habang sila ay nabubuhay subalit nagsusumikap na mamuhay na nakasusunod sa kautusan ng Panginoon.

Paliwanag ni Bishop Uy dapat maging huwaran ang mga Santo sa pagsusumikap na maging Banal kaya’t hindi nararapat mawalan ng pag-asa ang bawat isa na magpakabanal sa kabila ng mga pagkukulang.

Binigyang diin ng Obispo na sa kabila ng pagiging makasanlibutan ng tao binigyan ng Panginoon ang bawat isa nang kalakasan na makagagawa ng mabuti sa pamamagitan ng sakramento ng binyag.

“Diha sa Sakramento sa bunyag nga atong nadawat, nadawat usab nato ang grasya gikan sa Ginoo nga mao ang pagka-Santos o sanctifying grace. [Sa tinanggap nating Sakramento ng Binyag ay tinanggap din natin ang biyaya ng pagiging Banal o ang Sanctifying Grace.]” ayon pa sa Obispo.

Sa tala ng Simbahan mahigit sampung libo ang naitalagang Santo mula noong taong 993 kabilang ang dalawang Filipino na sina San Lorenzo Ruiz at San Pedro Calungsod na kapwa mga martir ng Simbahan dahil sa pagtatanggol sa pananampalatayang Katoliko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 84,338 total reads

 84,338 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 131,576 total reads

 131,576 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 179,447 total reads

 179,447 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 283,395 total reads

 283,395 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 365,638 total reads

 365,638 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top