All Souls at All Saints day, pagkakataon na ipagdasal ang lahat tungo sa kabanalan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 553 total views

Ang Araw ng mga Banal at Yumao ay isang magandang pagkakataon upang ipanalangin ang paggabay sa bawat isa patungo sa kabanalan at pananalig na ang ating mga yumaong mahal sa buhay ay kasama rin ng mga banal sa langit.

Ito ang mensahe ni Diocese of Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Social Communication kaugnay sa paggunita ng mga mananampalatayang Filipino ng Todos Los Santos.

Ayon sa Obispo, ang magkasunod na paggunita sa Araw ng mga Banal at Araw ng mga Kaluluwa ay isang opurtunidad upang makapag-alay ng panalangin sa mga yumao na makamit ang walang hanggang pag-ibig ng Panginoon.

“It is All Saints’ Day, Araw ng mga Banal so tayo ay nananalangin sa mga Banal para yung daan ng kabanalan ay tahakin din natin katulad ng nararanasan nila so importanteng makita yun at para din sa atin dahil alam naman nating All Souls’ Day pero itinuturing din nating pagbisita sa sementeryo so nakikita din natin sa araw na ito, inaalala at pinagdadasal din natin yung mga yumao natin na tumahak din at sa pananalig natin ay kasama na din ng mga banal sa langit…” pahayag ni Bishop Vergara sa panayam sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito, pinangunahan ni Bishop Vergara ang pag-aalay ng panalangin at pagbabasbas sa mga puntod ng mga namayapang lingkod ng Simbahan sa Diyosesis ng Pasig.

Pagbabahagi ng Obispo, matapos ang kanyang misa sa Pasig Catholic Cemetery ay kanya ring sinadya ang puntod ng 16 na Diocesan at Religious Priest sa Diyosesis upang makapag-alay ng panalangin at bendisyon.

Partikular ring inalayan ng panalangin ni Bishop Vergara ang puntod ng namayapang si Bishop Francisco San Diego na siyang kauna-unahang Obispo ng Diocese of Pasig na namatay sa edad na 79 na taong gulang noong August 26, 2015 dahil sa Cardiac Arrest.

“This morning I celebrated mass sa Pasig Catholic Cemetery so after the mass what I did was to go to our Priest Mausoleum just recently ini-exhume namin yung mga bones, yung remains nung mga matagal na dun sa mga niches this are CIPM priest and some Diocesan priest a total of 16 Religious and Diocesan, mas maraming Religious kasi mga CIPM dati who serve the Diocese of Pasig and they were actually transfer to the Priest Mausoleum so I did a Short prayer and Liturgy and Bless since the remain are already there, and then I went to the Cathedral were the remain of the first bishop of Pasig is si Bishop Francisco San Diego and then I also did some prayers for them…” Dagdag pa ni Bishop Mylo Hubert Vergara.

Taong 2003 ng maitatag ang Diocese of Pasig kung saan itinalaga si Bishop San Diego bilang kauna-unahang Obispo ng diyosesis at nagsilbi ng 7-taon bago nagretiro sa edad na 75-taong gulang noong 2010.

Kabilang sa naging mga pangunahing Adbokasiya ni Bishop San Diego na ipinagpatuloy ni Bishop Vergara ay ang pagsasaayos at pagpapalawak sa Sementeryo sa Diyosesis o sa Pasig Catholic Cemetery at ang pagsusulong sa pagkakaroon ng retirement plan fund ng mga Clergy sa Diyosesis.

Batay sa tala ng Catholic Directory of the Philippines, may mahigit sa 50 ang bilang ng mga Pari ng Diocese of Pasig na nangangasiwa sa mahigit 30 Parokya mula sa nasasakupan ng diyosesis sa Pasig, Taguig at Pateros.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 37,030 total views

 37,030 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 111,644 total views

 111,644 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 191,723 total views

 191,723 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 234,862 total views

 234,862 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 233,730 total views

 233,730 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top