Death penalty sa National Security Act, binabantayan ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 448 total reads

Hindi kailanman magiging katanggap-tanggap ang death penalty o ang pagpapataw ng parusang kamatayan.

Ito ang nasasaad sa inaprubahan ng Kanyang Kabanalan Francisco na pagbabago sa Catechism of the Catholic Church kaugnay sa naaangkop na kaparusahang dapat ipataw ng estado sa mga nagkasala o lumabag sa batas.

Kaugnay nito, mariin din ang paninindigan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP laban sa pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa.

Tiniyak ni Bro. Rudy Diamante – Executive Secretary ng CBCP – Episcopal Commission on Prison and Pastoral Care na puspusan ang pagbabantay ng kumisyon sa anumang tangka ng mga mambabatas na muling maisabatas ang Capital Punishment sa Pilipinas.

Ayon kay Diamante, kabilang sa mga binabantayan ng CBCP-ECPPC ay ang maaring pagpapasok ng parusang kamatayan sa binabalangkas na National Security Act ng mga mambabatas.

“We are monitoring the issue of the Death Penalty, We understand sa House of the Representatives merong ipinapasok na parusang bitay doon sa Security Act kasi merong Bill on National Security Act na parang doon yung parusa sa lalabag doon sa Security Act na yun will be punish by death, so medyo yun sinusubaybayan natin yun, minomonitor…” pahayag ni Diamante sa panayam sa Radio Veritas

Puspusan naman ang pagsusulong ng kumisyon na magkaroon ng pagbabago sa Punitive Mentality na namamayani sa bansa.

Sa pamamagitan ng taon-taong paggunita ng Prison Awareness Week ay umaasa ang Simbahan na mapukaw ang damdamin ng mga mamamayan na bigyang pansin ang kalagayan ng mga bilango sa ating bansa.

Ngayong taon, tema ng 31st Prison Awareness Sunday ang “Lord, that I may See, Hear and Act on the plea for help of Your People”.

Layon nitong maipaalala ng Simbahan sa bawat isa na ipanalangin ang kapakanan, pagbabago at pagbabalik-loob ng mga bilanggo sa buong bansa.

Batay sa pinakahuling tala ng Bureau of Jail Management and Penology, umaabot na sa higit 131 – libo ang bilang ng mga bilango sa buong bansa kung saan sa bilang na ito higit sa 31-libo ang nagmula sa National Capital Region.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 87,140 total reads

 87,140 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 134,183 total reads

 134,183 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 182,054 total reads

 182,054 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 286,002 total reads

 286,002 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 368,177 total reads

 368,177 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top