Simbahan, aktibong tumutulong sa mga OFW

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 640 total reads

Tiniyak ng isang opisyal ng Catholic Bishop Conference of the Philippines na tumutulong ang Simbahang Katolika sa mga Overseas Filipino Workers.

Ayon kay Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos, Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, may mga programa ang iba’t ibang Diyosesis na tumutugon sa pangangailangan ng mga OFW partikular ang mga nakararanas ng paghihirap sa ibang bansa at maging ng mga pamilyang naiwan sa Pilipinas.

“Our Diocesan migrant Ministries have Scholarships programs for the Children of our OFW’s especially whose Parents suffered difficulties, repatriation.” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Ang pahayag ng Obispo ay kaugnay sa pagpapauwi sa ilang OFW dahil sa hindi magandang nararanasan sa ibayong dagat tulad ng mahigit isanlibong manggagawa sa isinarang Azmeel Contracting Corporation sa Al Khobar Saudi Arabia, mga napalayang Filipino Seamen sa Nigeria at ang 22 OFW truck drivers na nasagip ng mga otoridad sa Padborg Denmark.

Ayon kay Bishop Santos, bukod sa scholarship para sa mga kabataan ay maari ring makinabang ang mga OFW sa mga programang pangkabuhayan at makalapit sa mga kooperatiba upang makahiram ng pampuhunan sa hanapbuhay na ipupundar.

Batay sa ensiklikal ni Saint Pope Paul VI na Populorum Progressio na nailathala noong ika – 26 ng Marso 1967, binigyang diin dito na alinsunod sa turo at misyon ng Panginoong Hesukristo na i-angat ang pagkatao ng bawat indibidwal ay tinutugunan ng Simbahan ang pangangailangan ng mga naisasantabing sektor ng lipunan.

Sa tala ng Philippine Statistics Authority mahigit sampung milyong Filipino ang nangingibang bansa upang maitaguyod ang pangangailangan ng pamilya sa Pilipinas kung saan marami dito ang nakararanas ng pananamantala at kakulangan sa benepisyong ibinibigay ng kanilang mga employer.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 88,104 total reads

 88,104 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 135,066 total reads

 135,066 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 182,937 total reads

 182,937 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 286,885 total reads

 286,885 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 369,027 total reads

 369,027 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top