Anibersayo ng Tulay ng Kabataan Foundation, pangungunahan ni Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 633 total views

Pangungunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang banal na misa sa anibersaryo ng Tulay ng Kabataan Foundation o ANAK-Tnk ngayong ika-3 ng Nobyembre.

Magdaraos ng banal na misa ang Kanyang Kabunyian sa Ateneo De Manila Highschool, Quezon City kasama ang 2,000 mga street children bilang paggunita sa ika-20 taong anibersaryo ng Kabataan Foundation.

Bukod sa materyal na pagtulong, pangunahing layunin ng ANAK-Tnk ay maibalik ang dignidad ng mga bata at matatandang palaboy sa lansangan.

Bukod dito, ipakikita din sa pagtitipon ang masidhing pagnanais ng simbahan na lalong mapalapit at makatulong hindi lamang sa mga bata kungdi sa mga matatandang mahirap at inabandona sa lansangan.

“More than material help, our mission is to give them back their Dignity showing them that they can love and be loved.” pahayag ng Tulay ng Kabataan Foundation.

Taong 1998 nang magsimula ang ANAK-Tnk at sa kasalukuyan ay umabot sa 54,000 ang mga kabataang natulungan nito.

Sa ilalim ng Foundation ay mayroong limang programa na naglalayong pataasin ang moral at dignidad ng mga bata, may kapansanan at mga inabandona sa lansangan.

Sa kabuuan umaabot sa 1,300 mga bata at matatanda ang kinukupkop sa 30 centers ng ANAK-Tnk taun-taon.

Samantala, inaanyayahan naman sa pagdiriwang ngayong anibersaryo ng Tulay ng Kabataan Foundation ang iba pang Non-government organizations na tumutulong din sa mga batang palaboy.

Magsismula ang pagdiriwang ng alas otso ng umaga at matapos ang registration ay magkakaroon ng sports tournament para sa mga bata, alas sais ng gabi gaganapin ang banal na misa na susundan naman ng salu-salo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 43,874 total views

 43,874 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 39,743 total views

 39,743 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 75,945 total views

 75,945 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 84,739 total views

 84,739 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 110,327 total views

 110,327 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 324,710 total views

 324,710 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top