Social Media, gamiting paraan sa pag-alaala sa mga namayapa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 505 total reads

Nasasaad sa isang dokumento ng Vatican na may titulong Church and the Internet na mahalagang magamit din ng Simbahan ang makabagong teknolohiya tulad ng internet para ipahayag ang misyon ng Panginoon.

Una na ring hinimok ng Kanyang Kabanalan Francisco ang bawat isa na gamitin sa mas makabuluhang pamamaraan ang internet at social media na dapat ituring na isang biyaya ng Panginoon para sa pakikipag-ugnay.

Sa ganitong konteksto ay umaasa si Diocese of Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara–Chairman, CBCP-Episcopal Commission on Social Communication na gamitin ng mga Filipino ang Social Media at internet upang makapagpahayag ng mga positibong mensahe bilang paggunita sa naging buhay ng mga namayapa.

Ayon sa Obispo, magandang pagkakataon rin ito upang muling makapagpasalamat at bigyang pagkilala ang kanilang mga naging ambag sa ating buhay.

“For us ordinary netizens, I think what we can post are number one prayer for our deceased loved one and friends and perhaps any message that will also be an opportunity to make us remember those who have passed away who have been part of our lives so that they too they also motivate us to, they inspire us for what they have done in this life and it’s a way of thanking them, pasasalamat sa mga yumao, pagkilala sa kanilang mga nagawa sa buhay natin,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Vergara sa panayam sa Radio Veritas.

Ayon pa sa Obispo, bagamat walang perpektong nilalang na walang kasalanan sa mundo ay mahalaga pa ring bigyang pagkilala at patuloy na ipanalangin ang kaluluwa ng mga yumao upang matulungan makarating ang mga ito sa langit.

Nauna ng inihayag ni Bishop Vergara na ang Araw ng mga Banal at Kaluluwa ay isang pagkakataon upang ipanalangin ang paggabay sa bawat isa patungo sa kabanalan at makapag-alay ng panalangin para sa mga yumao na isa ring pagpapakita ng pagmamahal upang kanilang makamit ang walang hanggang pag-ibig ng Panginoon sa langit.

Sa pag-aaral ng Digital 2018 report ng London, United Kingdom-based consultancy na ‘We Are Social’ na nangunguna pa rin ang Pilipinas sa social media usage sa buong mundo kung saan umaabot sa 9 na oras at 29 na minuto kada araw ang ginugugol ng nasa 67-milyong internet users sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 81,272 total reads

 81,272 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 128,750 total reads

 128,750 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 176,621 total reads

 176,621 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 280,569 total reads

 280,569 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 362,908 total reads

 362,908 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top