100 % accomplished: Pagtugon ng simbahan sa Yolanda survivors

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 521 total reads

Umaabot sa P3.6 bilyong ang nailaang pondo ng Caritas Response sa loob ng tatlong taong programa sa mga lugar na labis na nasalanta ng bagyong Yolanda limang taon na ang nakalipas.

Ayon kay Jing Rey Henderson ng Caritas Philippines, ang nalikom na pondo ay mula sa pagtutulungan ng Institusyon ng Simbahang Katolika at 52 Caritas organization sa buong mundo.

“100 percent accomplished natin ang ating proyekto. Sumobra pa nga tayo kasi dun sa ating ginawa hindi lang siya ginawa na itayo ang bahay kundi kasama din yung mga Partner Beneficiaries natin na tinawag na ‘Sweat Equity’ or Counterpart. So instead na magbayad tayo ng mahal sa Labor Course, sa materyales, nakatipid po tayo kaya mas dumami ang ating beneficiaries,” ayon kay Henderson sa panayam ng programang Veritas Pilipinas ng Radio Veritas.

Sa ulat ng Caritas Philippines, may 1.4 na milyong katao ang nakinabang sa proyekto kung saan nakapagtayo ng 7, 373 housing units sa 6 na relocation sites na matatagpuan sa Iloilo, Capiz, Antique, Coron, Cebu, Calbayog at Borongan o mga lugar na labis na napinsala ng bagyong Yolanda.

Ayon pa kay Henderson, bukod pa ito sa pagbibigay ng pagsasanay sa mga benepisyaryo para sa kanilang kabuhayan upang matiyak ang pagbangon mula sa karanasan ng malakas na bagyo.

Taong 2013 nang manalasa ang bagyong Yolanda kung saan higit sa anim na libo ang naitalang namatay dulot ng bagyo habang naitala naman sa P86 bilyong piso ang nasirang gusali, kabuhayan at mga ari-arian.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 3,316 total reads

 3,316 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 223,935 total reads

 223,935 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 258,608 total reads

 258,608 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 274,508 total reads

 274,508 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 310,769 total reads

 310,769 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top