Concert para sa kalikasan, isasagawa sa “Earth Day”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 375 total reads

Nanawagan ang Greenthumb Coalition sa mamamayan na makilahok sa pagdiriwang ng Earth day bukas, ika-22 ng Abril sa pamamagitan ng isang concert para sa kalikasan sa Quezon Memorial Circle,Quezon City.

Ayon sa grupo, layunin ng pagdiriwang na bigyang diin ang kasalukuyang suliranin ng mundo na climate change.

Dagdag pa rito, magiging daan din ito upang pukawin ang atensyon ng mga kandidato sa nalalapit na May 9 National Elections para sa iba’t ibang suliraning nasasaklawan ng kalikasan, tulad ng mining, pagtatayo ng mga planta, logging, agriculture, food and water security, at integrity of creation.

“Mga kapanalig, inaanyahan ko po kayo para sa gagawing konsyerto para sa kalikasan bukas ng gabi, tinatawag namin syang tinig ng sampung milyon para sa kalikasan. Dito ipi-present din ang Green Electoral Scorecard kung saan lahat ng mga presidentiable at vice presidentiable ay hiningan naming ng kanilang hinaing tungkol sa kanilang agenda para sa kalikasan.” Pahayag ni Bro Angel Cortez, OFM – NCR Coordinator ng Ecological Justice Interfaith Movement, kasapi ng Greenthumb Coalition.

Tiniyak ng grupo na matapos ang malawakang pagkilos at ang nalalapit na eleksyon ay magiging mapagmatyag ang mga environment advocates sa pagtupad ng mga pulitiko sa kanilang ipinangako.

Inaasahang libo-libong mamamayan ang makikilahok sa pagdiriwang ng earth day bukas sa Quezon Memorial Circle sa ganap na alas-sais ng gabi na may temang tinig ng sampung milyon para sa kalikasan.

Samantala, kasabay nito 200 bansa rin ang makikiisa sa Earthday na taun-taong ipinagdiriwang tuwing ika22 ng Abril na magugunitang nag simula sa America, limang dekada na ang nakalilipas.

Kaugnay dito una nang inanyayahan ni Pope Francis sa Laudato si, ang bawat indibidual na makibahagi at maging instrumento ng Panginoon sa pagpapakita ng pangangalaga sa kalikasan batay sa ating sariling kultura, karanasan, at talento.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 51,279 total reads

 51,279 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 130,881 total reads

 130,881 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 164,328 total reads

 164,328 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 199,626 total reads

 199,626 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 424,110 total reads

 424,110 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 37,669 total reads

 37,669 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,558 total reads

 30,558 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top