Positive Discipline bill, mag-aalis sa kultura ng karahasan sa mga tahanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 576 total reads

Ayon sa Encyclical ni Pope John the 23rd noong 1961 na Mater Et Magistra, tungkulin ng mga magulang na tutukan ang paghuhubog sa mga bata upang maging responsableng mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay halaga sa formation.

Sa ganitong konsteksto, nilinaw ng mga nagsusulong ng Positive Discipline Bill o ang tinatawag na Anti-Palo Bill na ang naturang panukala ay naglalayong mabigyang ng alternatibong paraan ng pagdidisiplina ang mga magulang ng hindi gumagamit ng negatibong paraan tulad ng pananakit at pagbibitaw ng masasakit na mga salita.

Nilinaw ni Reylynne De La Paz, Advocacy Officer of Save the Children na layon ng panukala na isulong ang positibong paraan ng pagdidisiplina sa mga bata mula sa nakasanayang pamamaraan ng pamamalo, paninigaw at pananakot ng mga magulang.

“Yung takot nung iba na kapag naipatupad yung batas na ito magiging spoiled na yung mga bata, hindi rin po namin gusto yung ganun ng mga advocates ng Positive Discipline Bill ang gusto natin pare-pareho gaya ng lahat ng magulang at guro, magkaroon ng mga batang disiplinado. Kasi ang naging kultura na natin mamalo, manigaw o minsan dala na siguro ng galit yun yung nagiging paraan ng marami pero dito sa positive discipline binibigyan natin ng alternative yung mga magulang…” pahayag ni de la Paz sa panayam sa Radio Veritas.

Ibinahagi ni de la Pana may ilang pag-aaral na nagpapakita na mas makabubuti para sa mga kabataan ang positibong paraan ng paggabay.

Kaugnay nito sa botong 160 “Yes” at dalawang “No” ay tuluyan ng inaprubahan ang House Bill 8239 o kilala bilang “Positive and Non-Violent Discipline of Children Act” sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na nagbabawal sa marahas na pagpaparusa sa mga bata.

Saklaw ng naturang panukala hindi lamang ang pagdidisiplina ng mga magulang sa loob ng bahay kundi maging sa mga paaralan at iba pang institusyon kung saan mayroong mga menor-de-edad.

Nasasaad sa panukala na ang sinumang lalabag dito ay dapat na isailalim sa seminar tungkol sa children’s rights, positibong paraan ng pagdidisiplina, anger management, counseling at therapy.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 53,569 total reads

 53,569 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 102,904 total reads

 102,904 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 150,775 total reads

 150,775 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 254,724 total reads

 254,724 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 338,158 total reads

 338,158 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top