Caritas Manila, nanawagan ng suporta sa pagtaguyod ng YSLEP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 441 total reads

Hinimok ng pari ang mamamayan na makiisa sa pagtugon sa pangangailangan ng mahihirap lalo na sa mga kabataan na nais makapagtapos sa pag-aaral.

Ayon kay Rev. Fr. Ric Valencia, ang namumuno sa Caritas Manila Disaster Risk Reduction and Management Program, mahalaga ang ginagampanang tungkuling ng bawat isa na tumugon at makiisa sa mga gawain ng Simbahan na kumakalinga sa mga dukha sa lipunan.

“Sa atin pong mga Kapanalig ako po ay nanawagan bilang in-charge din ng Caritas Damayan na tayo po ay makiisa at tumulong sa pagpapalaganap ng ating mabubuting gawain patungkol sa pagtutulong sa ating mga scholar,” bahagi ng pahayag ni Fr. Valencia sa Radio Veritas.

Ang panawagan ng Pari ay kaugnay sa pagbubukas ng Segunda Mana Expo ng Caritas Manila sa Starmall EDSA Mandaluyong kung saan tampok dito ang mga Segunda Manong mga kagamitan mula sa mga kilalang personalidad tulad ng mga artista.

Itinatampok dito ang mga gamit tulad ng mga damit, bag at sapatos na donasyon ng mga kilalang personalidad gaya nina Heart Evangelista, Alden Richard, Iza Calzado, Toni Gonzaga, Vice Ganda at marami pang iba.

Ang Segunda Mana Celebrities and Personalities Bazaar ay magtatagal ng tatlong araw o hanggang Linggo ikalabingwalo ng Nobyembre sa ikalawang palapag ng Starmall.

Ang malilikom na pondo ay ilalaan para tustusan ang pag-aaral ng mga scholars ng Caritas Manila sa ilalim ng Youth Servant Leadership Program.

“Itong ating expo naman ay naging purpose po naman ay para sa ating mga scholar, alam naman ng lahat na tayo ay may ini-maintain na mga scholar mga 5, 000 sila lahat sa buong kapuluan ng Pilipinas lalo na doon sa mga lugar na mahihirap at isa sa mga pinagkukunan ng pondo para sa kanila ay itong expo,” dagdag ni Fr. Valencia.

Ang mga gawain ng Caritas Manila, ang social action arm ng Arkidiyosesis ng Maynila ay patunay na patuloy ang pagkilos ng Simbahan para kalingain ang mga dukha sa lipunan at ipadama ang tunay na pag ibig ng Diyos sa pamamagitan ng pagbabahaginan.

Sa tala ng Caritas Manila YSLEP nasa limang libong mag aaral sa buong bansa ang tinutustusan na kinabibilangan ng mga katutubo at mga kabataang mula sa ibang pananampalataya gaya ng Muslim.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 48,007 total reads

 48,007 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 85,384 total reads

 85,384 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 120,683 total reads

 120,683 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 346,953 total reads

 346,953 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 237,605 total reads

 237,605 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top