Caritas Alumni scholars, nakiisa sa ‘Clean Up drive sa Manila Bay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 684 total reads

Inihayag ng grupo ng mga iskolar ng Caritas Manila ang kahalagahan sa pagpanatiling malinis sa kapaligiran lalo na sa karagatan.

Ayon kay Manuel Tan, Pangulo ng Caritas Manila Alumni Scholars Asscociation (CAMASA) ito ang kanilang hangarin sa pakikilahok sa isinagawang clean up drive sa Manila Bay.

“Napakahalaga nitong proyekto na’ to dahil kailangan nating pangalagaan ang ating environment lalo na ngayon na napakalaki na ng mga nagiging disaster,” bahagi ng pahayag ni Tan sa Radio Veritas.

Paliwanag ni Tan na bagamat ito ang kauna-unahang pagkakataon na sumali ang CAMASA sa coastal clean up, tiniyak nitong magpapatuloy ang kanilang pakiisa sa Philippine Coast Guard para sa programa.

Giit ni Tan, nararapat lamang na paigtingin ang mga ganitong uri ng gawain upang makaiwas ang bansa sa mas masamang epektong dulot kalamidad lalu na ang maruming kapaligiran at puno ng basurang karagatan.

“Magiging yearly basis na, magiging advocacy natin to at sa tuwing anniversary mg CAMASA ay gaganapin natin ang clean up hindi lang dito sa Metro Manila kundi sa buong kapuluan,” dagdag ni Tan.

Ang CAMASA ay grupo ng mga nagsipagtapos na iskolar ng Caritas Manila mula pa sa dating Educational Assistance Program ng Arkidiyosesis ng Maynila at kasalukuyang tinatawag na Youth Servant Leadership Program na may 5, 000 iskolar na sa buong bansa.

Bukod sa CAMASA at Philippine Coast Guard Auxiliary, nakiisa rin ang Landbank, Maynilad, Polytechnic University of the Philippines, La Salle at iba pang mga unibersidad at mga establisimiyento sa Metro Manila.

Ito rin ay pagtugon sa tawag ng kalikasan na lubhang nanganganib dahil sa kasakiman, kapabayaan at kawalang paggalang ng tao sa sanlibutang nilikha ng Panginoon at nagsilbing tahanan ng bawat nilikha.

Sa tala ng Department of Public Services ng lunsod ng Maynila higit sa 2000 tonelada ng basura ang nahahakot sa buong lunsod o katumbas sa 500 trak ng basura araw-araw.

Una nang binigyang diin sa ensiklikal ni Pope Francis na Laudato Si ang panawagang gumawa ng hakbang upang mapanatiling malinis ang kapaligiran at mapigilan ang pagkasira nito kung saan nakasalalay ang buhay at kinabukasan ng susunod na henerasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 58,864 total reads

 58,864 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 107,906 total reads

 107,906 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 155,778 total reads

 155,778 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 259,725 total reads

 259,725 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 342,888 total reads

 342,888 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top