Positive Discipline bill, mag-aalis sa kultura ng karahasan sa mga tahanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 546 total reads

Ayon sa Encyclical ni Pope John the 23rd noong 1961 na Mater Et Magistra, tungkulin ng mga magulang na tutukan ang paghuhubog sa mga bata upang maging responsableng mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay halaga sa formation.

Sa ganitong konsteksto, nilinaw ng mga nagsusulong ng Positive Discipline Bill o ang tinatawag na Anti-Palo Bill na ang naturang panukala ay naglalayong mabigyang ng alternatibong paraan ng pagdidisiplina ang mga magulang ng hindi gumagamit ng negatibong paraan tulad ng pananakit at pagbibitaw ng masasakit na mga salita.

Nilinaw ni Reylynne De La Paz, Advocacy Officer of Save the Children na layon ng panukala na isulong ang positibong paraan ng pagdidisiplina sa mga bata mula sa nakasanayang pamamaraan ng pamamalo, paninigaw at pananakot ng mga magulang.

“Yung takot nung iba na kapag naipatupad yung batas na ito magiging spoiled na yung mga bata, hindi rin po namin gusto yung ganun ng mga advocates ng Positive Discipline Bill ang gusto natin pare-pareho gaya ng lahat ng magulang at guro, magkaroon ng mga batang disiplinado. Kasi ang naging kultura na natin mamalo, manigaw o minsan dala na siguro ng galit yun yung nagiging paraan ng marami pero dito sa positive discipline binibigyan natin ng alternative yung mga magulang…” pahayag ni de la Paz sa panayam sa Radio Veritas.

Ibinahagi ni de la Pana may ilang pag-aaral na nagpapakita na mas makabubuti para sa mga kabataan ang positibong paraan ng paggabay.

Kaugnay nito sa botong 160 “Yes” at dalawang “No” ay tuluyan ng inaprubahan ang House Bill 8239 o kilala bilang “Positive and Non-Violent Discipline of Children Act” sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na nagbabawal sa marahas na pagpaparusa sa mga bata.

Saklaw ng naturang panukala hindi lamang ang pagdidisiplina ng mga magulang sa loob ng bahay kundi maging sa mga paaralan at iba pang institusyon kung saan mayroong mga menor-de-edad.

Nasasaad sa panukala na ang sinumang lalabag dito ay dapat na isailalim sa seminar tungkol sa children’s rights, positibong paraan ng pagdidisiplina, anger management, counseling at therapy.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 10,295 total reads

 10,295 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 230,913 total reads

 230,913 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 265,586 total reads

 265,586 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 281,486 total reads

 281,486 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 317,250 total reads

 317,250 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 49,378 total reads

 49,378 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top