Magsuot ng pula sa Miyerkules

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 580 total views

Maaring makibahagi ang bawat isa sa Red Wednesday campaign sa pamamagitan ng sarili at personal na pamamaraan.

Ito ang nilinaw ni Aid to the Church in Need Philippines National Director Mr. Jonathan Luciano kaugnay sa pakikibahagi sa ikalawang pagkakataon ng Pilipinas sa Red Wednesday campaign ng Pontifical Foundation ng Vatican na Aid to the Church in Need sa ika-28 ng Nobyembre.

Ayon kay Luciano, maaring makapagpahayag ng pakikiisa sa kampanya sa pamamagitan ng pagsusuot ng kulay pulang damit at pag-aalay ng personal na panalangin para sa lahat ng mga Kristyanong nasawi at patuloy na dumaranas ng pag-uusig dahil sa pananampalataya hindi lamang sa Pilipinas maging sa iba’t-ibang bansa.

Inaanyayahan rin ni Luciano ang bawat isa na dumalo sa mga gagawing banal na misa sa mga Simbahan mula sa iba’t-ibang diyosesis na nagpahayag ng pakikibahagi sa kampanya at inaasahang magsisindi rin ng kulay pulang ilaw bilang tugon sa panawagan ng pakikiisa sa mga persecuted Christians.

“Inaanyayahan din po namin kayo na magsuot ng pula or something red bilang pakikiisa po natin sa layunin ng Red Wednesday, kung kayo naman po ay mayroong Simbahan na malapit na makikilahok sa Red Wednesday ay inaanyayahan po namin kayo na makiisa sa pagdiriwang ng banal na misa at sa pag-iilaw ng Simbahan ng kulay pula…” bahagi ng pahayag ni Luciano sa panayam sa Radyo Veritas.

Sinabi ni Luciano na isang malaking ambag na ang pananalangin ng bawat indibidwal upang mas maging makabuluhan ang layunin ng naturang worldwide campaign na maipalaganap ang kamalayan tungkol sa usapin ng pag-uusig dahil sa paniniwala at pananampalataya.

“Sana po sa araw na ito November 28 ang ating mga kapatid na Kristyano ay makiisa po sa pananalangin, napakahalaga po na ating ipagdasal ang ating mga kapatid na Kristyano na pinag-uusig at ang panalangin po natin ay maaari po nating gawin privately or kung meron po kayong mga kasamahan mga grupo, gawin po natin ang pananalanging ito…” Dagdag pa ni Luciano

Nakatakda ang Red Wednesday campaign 2018 sa darating na Miyerkules, ika-28 ng Nobyembre ganap na alas-sais y medya ng gabi.

Inaasahang sabay-sabay na magdadaos ng Banal na Misa ang mga Simbahan at iba pang institusyon, bilang pagkilala, pagpupugay, pag-aalay ng panalangin at pakikiisa sa mga inuusig na Kristiyano sa iba’t ibang panig ng mundo.

Kasunod naman ng Misa ay ang pagdarasal sa inihandang panalangin para sa mga persecuted Christians sa buong mundo at ang pagsisindi ng pulang ilaw sa mga Simbahan at paaralan na sumisimbolo sa pagiging martir at dugo ng mga Kristyanong nasawi sa pag-uusig.

Taong 2017 ng unang nakibahagi ang Aid to the Church in Need Philippines sa naturang Red Wednesday campaign kung saan umabot sa may 82 ecclesiastical territories, churches at universities ang nakibahagi.

Sa kasalukuyang batay sa tala ng ACN Philippines, nasa 1,300 ang bilang ng mga Simbahan at paaralan mula sa may 42 Diyosesis at Arkidiyosesis sa buong Pilipinas ang makikilahok sa Red Wednesday campaign.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 28,559 total views

 28,559 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 103,173 total views

 103,173 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 183,252 total views

 183,252 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 226,391 total views

 226,391 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 225,763 total views

 225,763 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top