Bawat pagtitipon may akmang lugar para sa kanilang gawain

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 487 total views

Ito ayon kay Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs, ang simbahan ay itinuturing na tahanan ng Diyos na pinagdarausan ng mga mananampalataya bilang bahay-dalanginan.

“May akmang lugar para sa bawat gawain ng tao. Kung ang mga politiko ay nagtitipon sa mga hotel o convention centers para sa kanilang pagpupulong, ganun din ang mga Katoliko sa kanilang pananalangin, ginagawa nila ito sa simbahan na isang bahay-dalanginan,” ayon kay Fr. Secillano.

Ipinaliwanag ng pari na sa loob ng simbahan nakaluklok ang Eukaristiya – ang katawan ng Diyos sa anyong hostia o tinapay na hindi matatagpuan sa bawat tahanan kaya’t mahalaga ang pagsisimba.

“Sa loob ng Simbahan nakaluklok ang Eukaristiya, ang katawan ng Diyos sa anyo ng hostia o tinapay. Ito ang wala sa mga bahay at hindi rin pinapahintulot ang pagluluklok nito sa bawat tahanan,” dagdag pa ni Fr. Secillano.

Unang kinondena ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos ang pahayag ng Pangulong Duterte na nagpapayo sa mga katoliko na iwaksi ang pagsisimba sa halip ay magtayo ng kapilya sa kanilang mga bahay.

Bagama’t hindi kautusan ang palagiang pagsisimba ay pinapaalalahanan ang mga mananampalataya na maglaan ng panahon na makapiling ang Diyos sa kanyang tahanan.

Sa katuruan ng simbahan isang obligasyon ng bawat mananampalataya ang pagsisimba tuwing araw ng linggo.

Dahil nagiging matatag ang pananampalataya sa magkakasama at nagsasalo sa piging na inihanda ng Panginoon bilang pag-alaala sa kanyang pagpapakasakit.

Ilan din sa mga idineklarang ‘Holiday of Obligation’ ang December 8-Feast of Immaculate Conception; December 25- Christmas Day at January 1- Solemnity of Mary, Mother of God.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 79,396 total views

 79,396 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 203,807 total views

 203,807 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 245,378 total views

 245,378 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 321,033 total views

 321,033 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

11-member prosecution panel, buo na

 16,509 total views

 16,509 total views Pormal nang binuo ng Kamara de Representantes ang 11-miyembrong prosecution panel na hahawak sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Scroll to Top