Pagdiriwang ng Year of the Youth, walang saysay kung hindi magiging sentro si Hesus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 582 total reads

Isang masayang pagdiriwang ang isinagawa ng Archdiocese of Manila sa pagsalubong sa Year of the Youth noong una at ikalawang araw ng Disyembre, sa Our Lady of Guadalupe Minor Seminary, sa pangunguna ng Archdiocesan Commission on Youth.

Libu-libong mga kabataan ang nagsaya, nanalangin at nagpayaman ng karanasan at kaalaman kaugnay sa mga usaping mahalagang kasangkutan ng mga kabataan.

Pinangunahan naman ng kaniyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang banal na Misa, bago matapos ang pagtitipon sa paglulunsad ng Year of the Youth.

Sa pagninilay ng Kardinal, ipinaliwanag nito sa mga kabataan ang kahalagahan ng pagsisimula ng panahon ng adbiyento, kasabay ng bagong tema ng taon.

Sinabi ni Cardinal Tagle na bagamat natapos ang isang liturgical year ay palagi namang “mayroon pang susunod, mayroon pang hinaharap at mayroon tayong hinihintay.

“The Son of Man will come, at iyon ang ipinapaalala sa atin ng adbiyento.” pahayag ni Cardinal Tagle

Idinagdag ni Cardinal Tagloe na isang makabuluhan at may saysay na paghihintay ang itinuturo ng adbiyento lalo na sa mga kabataan, kaya naman marapat lamang na harapin ng bawat isa ang kasalukuyan habang tinitignan ang kinabukasan kung saan masusumpungan ng bawat isa si Hesus.

“Our future has a name – Jesus. Hindi ambisyon, pagyaman, kun’di si Hesus.” pahayag ni Cardinal Tagle.

Samantala, sa gitna ng mga pagsubok sa buhay at umiiral na suliranin sa lipunan, hinimok ng Kardinal ang mga kabataan na maging misyonero ni Hesus.

Gayunman, nilinaw ni Cardinal Tagle na maisasakatuparan lamang ito ay kinakailangang humugot ng lakas kay Hesus ang bawat isa.

“Humanap ka ng lakas kay Hesus at hindi ka mambubusabos ng kapwa. Ang mga nambubusabos ng kapwa sa salita, isip at gawa, yan ang pinaka insecure na tao sa buong mundo… Ang mga kabataan na ang kinakapitan ay si Hesus, you will be blessed, you will be empowered.” paglilinaw ni Cardinal Tagle

Sa huli, ipinaalala din ni Cardinal Tagle na ang susi upang mapagtagumpayan ang misyon na iniaatas ng Diyos ay ang paglalagay kay Hesus sa sentro ng ating buhay.

Aniya, lahat ng mga gawain, at maging ang pagdiriwang sa Year of the Youth ay mawawalan ng saysay kung hindi si Hesus ang magiging sentro. Tinatayang mahigit sa 2,000 mga kabataan ang lumahok sa pagdiriwang ng paglulunsad sa Year of the Youth sa Archdiocese of Manila.

Ang pagdiriwang na ito ang ikapitong taon na bahagi ng paghahanda ng simbahan para sa nalalapit na pagdiriwang ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

Mga Pari, mensahero ni kristo

 2,393 total reads

 2,393 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 12,728 total reads

 12,728 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 53,288 total reads

 53,288 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 80,641 total reads

 80,641 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 128,906 total reads

 128,906 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 150,452 total reads

 150,452 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 25,538 total reads

 25,538 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 18,476 total reads

 18,476 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top