Paghahanda sa kalamidad, paiigtingin pa ng Simbahang Katolika

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 395 total views

Lalo pang paiigtingin ng Simbahang Katolika pa ang kampanya sa paghahanda sa mga magaganap na kalamidad.

Ito ang tiniyak ni Rev. Fr. Emerson Luego, Social Action Director ng Diocese of Tagum matapos dumalo sa pagpupulong na inilunsad ng Caritas Manila at Radyo Veritas na tinawag na “Oplan Damayan”.

Ayon kay Fr. Luego, hindi nila malilimot ang pinsala at pangamba na idinulot ng bagyong Pablo ng manalasa itong sa Mindanao Region noong taong 2012 kaya naman nais nilang mas paigtingin ang kahandaan mula sa bahagi ng Simbahan.

“That was our first time na makaranas na ganun katindi ang bagyo kaya nagkaroon na din ng consciousness hindi lang ang mga kaparian pati na mga parokyano at mga kababayan natin dito na kung saka-sakali handa na talaga sila.”pahayag ni Fr. Luego sa panayam ng Radio Veritas.

Sa pamamagitan aniya ng “Oplan Damayan” ay magkakaroon naman ng pinagisang pagkilos at mas epektibong komunikasyon ang kanilang diyosesis sa iba pang lalawigan na madalas din makaranas ng mga kalamidad.

“Ito na yun tinutukoy naming na mangyari, na nabigyan na ng panahon na matutukan lalo na sa Mindanao, na meron samahan ang mga DSAC’s(Diocesan Social Action Director) para ma-discuss ano ang mga posibleng magawa natin tulong sa panahon ng sakuna.”dagdag pa ni Fr. Luego.

Samantala, Naniniwala naman si Fr. Harlem Gozo, Social Action Director ng Maasin Leyte na kailangan pang madagdagan ang kaalaman ng Simbahan sa Emergency Response.

Ayon kay Fr. Gozo, kailangan ang koordinasyon lalo na sa mga tagapamuno ng Simbahan at mga Parokya upang agarang makatulong sa oras ng kalamidad.

“Nakikita ko po na kailangan talaga yung quick response sa emergency situation saka dapat may coordination sa iba’t-ibang parokya kapag may dumating na kalamidad.”pahayag ni Fr. Gozo sa panayam ng Radio Veritas.

Batay sa datos ng UN, sinasabing ang Pilipinas ay pang-apat sa mga bansa na pinaka-nakararanas ng mga kalamidad sa buong mundo. Ang Simbahang Katolika sa Pilipinas ay agad na kumikilos sa pagtulong sa mga naapektuhan ng kalamidad sa pamamagitan ng Caritas Philippines at Caritas Manila, mga kilalang Social Arm ng Simbahan sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 14,328 total views

 14,328 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 47,410 total views

 47,410 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 75,761 total views

 75,761 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 143,491 total views

 143,491 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 165,524 total views

 165,524 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 92,521 total views

 92,521 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top