Pangulong Duterte, wala na sa katinuan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,742 total reads

Hinamon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity si pangulong Rodrigo Duterte na tingnan muna ang mga nagawa nito sa bansa bago bantaan ang kaniyang mga kritiko.

Ayon sa Obispo, kung nagbibiro na naman ang Pangulo ay hindi na dapat ito pansinin subalit kung seryoso si Duterte sa kanyang pahayag ay maaaring wala na ito sa katinuan.

“Una sa lahat tingnan natin baka nag-jo-joke na naman siya. Pero kung hindi siya nag-jo-joke, yan po ay isang concern na masasabi nating may serious [problem] ang presidente, he is out of his mind.” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radyo Veritas.

Naniniwala si Bishop Pabillo na bahagi ng demokrasya sa bansa ang paghahayag ng mga puna sa mga namumuno sa bayan upang mas mapabuti ang kalagayan ng lipunan.

Ayon sa Obispo, hindi dapat gamiting solusyon ang pagpatay sa mga kritiko upang maipakita na inaalala ng isang pinuno ang kanyang bansa.

Iginiit ng Obispo na ang tunay na “concern” o pag-alala sa bayan ay naipakikita sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga punang ibinabato sa administrasyon.

“Ba’t hindi n’ya tingnan yung kan’yang pamamahala? Kasi may problema talaga s’ya sa kan’yang pamamahala na marami sa mga pangako n’ya hindi naman natutupad at naghihirap yung bayan, so yun dapat ang kanyang tingnan. Sa halip na kapag may nagpupuna sa kan’ya ang kanyang solusyon ay patayin ang solusyon n’ya dapat, kung talagang concerned s’ya sa bayan ano yung mga pagpupuna tama ba?” dagdag pa ng Obispo.

Iginiit ng Obispo na lahat ng mamamayan ay may pakialam sa bayan kaya naman mas dapat pang pasalamatan ng pangulo ang kan’yang mga kritiko dahil nais lamang nitong makatulong sa pagsasaayos ng bansa.

Nanindigan naman si Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo na ang pagiging tahimik ay matibay na palatandaan ng hindi pagsang-ayon.

Ito ang tugon ng Obispo sa panibagong pahayag ni Duterte na patayin ang mga Obispo.

Ipinaliwanag ni Bishop Bagaforo na dapat ipadama sa Pangulo na binabalewala at hindi pinakikinggan ang kaniyang mga sinasabi sa taumbayan.

“Minsan silence is a sign of protest. Minsan silence can be a stronger …meaning of saying no,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.

Sa pahayag ni Pangulong Duterte awarding ceremony ng 2017 Presidential Award for Child-Friendly Municipalities and Cities na ginanap sa Malacañang tila hinimok nito ang mamamayan na patayin ang mga Obispo dahil sa pamumuna sa kaniyang pamamalakad sa bansa.

Magugunitang una nang inakusahan ng Pangulo si Caloocan Bishop at CBCP Vice President Pablo Virgilio David ng kurapsyon at isinangkot sa iligal na droga dahil sa hayagang pagpuna ng Obispo sa mga maling polisiya ng kasalukuyang administrasyon.

Aktibo si Bishop David sa pagkalinga sa mga biktima ng iligal na droga sa pamamagitan ng inilunsad na Salubong program, isang Church at community based drug rehabilitation program ng Diyosesis ng Caloocan upang tulungan ang daan-daang lulong sa iligal na droga.

Bagamat sang-ayon ang Simbahan sa adhikain ng pamahalaan na sugpuin ang ipinagbabawal na gamot sa lipunan ay nanindigan din itong dapat pairalin ang tamang prosesong nakasusunod sa batas at hindi ang pagpaslang sa mga itinuturong sangkot sa iligal na gawain.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 23,671 total reads

 23,671 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 8,215 total reads

 8,215 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 48,776 total reads

 48,776 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 76,304 total reads

 76,304 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 124,569 total reads

 124,569 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 146,340 total reads

 146,340 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 266,756 total reads

 266,756 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 389,008 total reads

 389,008 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top