Laudato Si Movement, nanawagang i-boycott ang mga negosyanteng sumisira sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 557 total reads

Hinikayat ng isang environment group ang mga negosyante at mamumuhunan na huwag suportahan ang mga negosyong nakakasira sa kalikasan.

Ayon kay Bro. Armin Luistro, Pangulo ng De La Salle University (DLSU) at ng Philippine Business for Social Progress, isinusulong ngayon ng grupo ang kampanya na ‘Living Laudato Si Movement’ na hango sa ensiklikal ng Santo Papa Francisco.

“Kailangan natin sa ating pamumuhay baguhin ang lifestyle natin, pero mayroon tayong mas mahalagang gawin. Ito ay ang nagpopondo sa kalakal na ito kailangan tayong manawagan sa kanila dahil ito ay kasama sa business. Mahalagang makita natin maari nating baguhin na kumita ng pera na hindi makakasira sa kalikasan,” ayon kay Luistro sa panayam ng Veritas Pilipinas.

Iginiit ni Luistro sa mga negosyante na ilagay ang pera sa mga programa na magbibigay ng proteksyon sa kalikasan.
“Mas malaki ang epekto sa ating kalikasan kapag hindi natin inilalagay ang ating pera sa tamang kalakal, ekonomiya.” pahayag ni Luistro

Kasama din sa panawagan ng grupo ang mga bangko na huwag aprubahan ang pangungutang ng mga kompanyang may kinalaman sa pagmimina, coal powered plant at iba pang negosyo na nakakasira sa kapaligiran.

“Huwag nating kalimutan ang karapatan ng ating kalikasan. Kaya tinawag nating itong ‘Living Laudato Si Movement’ dahil kinuha natin ang inspirasyon kay Pope Francis sinabi nya an gating kalikasan ay isa sa pinakamahirap ‘poorest of the poor, dahil sa haba ng panahon hindi na natin naisip na pinagnanakawan natin siya, inaabuso natin tayo mismo naghihirap dahil sa ating kagagawan,” ayon kay Luistro.

Hinikayat din ni Luistro ang simbahan at katolikong institusyon na alamin ang mga pinaglalagakang ‘investment’ kung ito ba ay naayon sa panawagan ni Pope Francis sa kaniyang ‘Laudato Si’.

Isinusulong ngayon ng grupo ang Living in Laudato Si bilang tugon sa panawagan na bawat isa kabilang na ang simbahan at mga institusyon dahil lahat ay may tungkulin sa pangangalaga sa kalikasan.

Sa Encyclical na Laudato Si ni Pope Francis, kinokondena nito ang kawalang katarungang ng mayayamang kumpanya ng minahan sa mahihirap na komunidad, dahil lalo lamang itong nagdadagdag ng pasakit sa mga mamamayan sa pagkasira ng kapaligiran na nagdudulot ng panganib maging sa mamamayan.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 4,778 total reads

 4,778 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 28,923 total reads

 28,923 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 69,483 total reads

 69,483 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 96,027 total reads

 96,027 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 144,293 total reads

 144,293 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 165,059 total reads

 165,059 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

VP Sara at asawa, may 51-baril

 24,133 total reads

 24,133 total reads Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Read More »
Scroll to Top