Mananampalataya, binalaan sa mga Diyos-diyosan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 523 total reads

Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang “dedication of the Altar” o pagtatalaga sa dambana ng Manila Cathedral.

Sa pagninilay ni Cardinal Tagle sa banal na misa, ibinahagi nito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng templong pinananahanan ng Panginoon.

Aniya, mahalaga ang nakatayong templo at dambana dahil sumasagisag ito sa pagtugon sa pag-ibig at pananalangin ng mga nananampalataya sa Panginoon.

Subalit bukod dito, binigyang diin ng Kardinal na tulad ni Hesus, kinakailangang ang mismong katawan at katauhan ng mga tao ang maging buhay na templo ng Diyos.

Inanyayahan ng Kardinal ang mga mananampalataya na pumasok sa Katawan ni Kristo at maging bahagi nito upang maging buhay na templong nagmamahal at tumutugon sa pag-ibig ng Panginoon.

“Lahat tayo minahal tayo, at dahil minahal tayo, tayo din magbibigay ng sarili. Dala din ng pagmamahal… Inaanyayahan tayo na maging kagaya ni Hesus dambana at templo. Wag nating sayangin ang ganda nitong katedral, sana higit na maganda ang buhay na templo.” Pahayag ni Cardinal Tagle

Binalaan naman ni Cardinal Tagle ang mga mananamapalataya na mag-ingat sa mga mapanlinlang na diyos-diyosang kalimitang sinasamba ng mga tao.

Sinabi ng Arsobispo na ang templo ng diyus-diyosang kayamanan, kapangyarihan, at ambisyon ay hindi kailanman nagdulot ng kabutihan sa mga tao at sa lipunan.

Binigyang diin nito na ang kapangyarihan at kayabangan ay bumubulag sa mga tao at sinusunog ang katotohanan upang malinlang ang lipunan.

Ang ambisyon naman ay lumalason sa kabutihan ng bawat tao hanggang sa maging ganid at sakim ang isang indibidwal na nagiging dahilan ng paglapastangan sa kalikasan at pagyurak sa maliliit na tao.

Ayon kay Cardinal Tagle, ang labis na kayamanan o pagkamal ng limpak-limpak na salapi ay nagdudulot ng pag-abuso sa integridad ng mga manggagawa, at maging ang buhay ng mga ito ay nasasakripisyo na tila mga alay na sinusunog alang-alang sa salapi.

“Huwag kang maghandog ng maghandog sa siyos diyosan ng pera hindi ka mahal nyan bakit mo pa yan minamahal… kaya para sa pera kung ano ano ang ating sinasakripisyo, integridad mga manggagawa, mga magsasaka, parang mga alay na susunugin para mapaligaya ang pera.” pahayag ni Cardinal Tagle.

Read: ( FULL TRANSCRIPT OF HOMILY)

Ang pagtatalaga sa dambana ng Manila Cathedral ay kasabay ng pagdiriwang sa ika-60 taon ng muling pagtatatag ng katedral na nawasak noong ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Mahigit sa dalawampung Obispo mula sa Luzon, Visayas at Mindanao ang dumalo dito bilang pagpapakita ng pakikiisa at simbolo ng pag-uwi ng mga pinuno ng simbahan sa ina ng mga simbahan sa buong Pilipinas, ang Katedral ng Maynila, na kauna-unahan sa buong bansa.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 5,942 total reads

 5,942 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 30,790 total reads

 30,790 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 71,349 total reads

 71,349 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 97,803 total reads

 97,803 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 146,069 total reads

 146,069 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 166,759 total reads

 166,759 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 25,840 total reads

 25,840 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 18,779 total reads

 18,779 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top