Pagsasangkot ng mga Obispo sa destabilisasyon laban kay pangulong Duterte, iresponsable

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 338 total views

Matanda at mahina na si San Pablo Bishop-emeritus Leo Drona para pangunahan pa ang sinasabing ‘destabilisasyon’ laban sa Administrasyong Duterte.

Ito ang inilabas na pahayag ni San Pablo Bishop Buenaventura Famadico, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Clergy kaugnay sa pagkaka-ugnay ng pangalan ni Bishop-emeritus Drona sa talaan ng mga ‘destabilizers’ na inilabas ni dating Davao city Vice-Mayor Paolo “Polong” Duterte sa kanyang social media account.

Sinabi ni Bishop Famadico na kanilang ipinagdarasal na ang fake news ay nakabase sa justice,respect at truth.

“Ipinagdarasal namin na sana’y ang ganung report ay would be based on justice, respect and truth,” ayon kay Bishop Famadico sa panayam ng Radio Veritas.

Si Bishop emeritus Drona ang ikatlong Obispo ng San Pablo na nagbitiw sa tungkulin noong 2013 dahil sa mahinang kalusugan- bagama’t hindi umaabot sa mandatory age na 75.

Si Bishop Famadico ang humalili sa iniwang posisyon ni Bishop Drona bilang pastol ng may 2 milyong katoliko ng San Pablo na binubuo ng 193 pari at 83 mga parokya.

Sa kabila ng mahinang pangangatawan, malabong paningin nagagawa pa rin ng Obispo ang kaniyang tungkulin bilang pari sa pagdiriwang ng mga misa kahit nasa ‘wheelchair’ sa retirement House sa Don Bosco, Canlubang.

“Sa mga ganitong mga gawain ay una ay… tingnan muna kung nasan ang katotohanan lalu’t higit sa mga matatanda katulad ni Bishop (Drona) ay irespeto naman ang kaniyang kalagayan,” ayon kay Bishop Famadico.

Nananawagan ang Diyosesis na nawa ang bawat inilalagay sa social media ay pinagmamahalaan ng may katotohanan, may katarungan at paggalang.

Binigyan diin ng kaniyang kabanalan Francisco ang kahalagahan katotohanan sa kaniyang mensahe kaugnay sa World day of Communications na may temang “The truth will set you Free.

Kabilang din sa mga nasa listahang ‘destabilizers’ na kumakalat sa social media si CBCP Vice President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Infanta Bishop Emeritus Julio Labayen na namatay noong pang 2016 at iba pa.

Ayon kay Pope Francis, hindi lamang isang gawain ang pagpapahayag sa halip ito ay isang misyon para sa katotohanan at hindi makapagdudulot ng kaguluhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 78,494 total views

 78,494 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 122,102 total views

 122,102 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 204,652 total views

 204,652 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 215,844 total views

 215,844 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

11-member prosecution panel, buo na

 9,072 total views

 9,072 total views Pormal nang binuo ng Kamara de Representantes ang 11-miyembrong prosecution panel na hahawak sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Scroll to Top