Pangulong Duterte, pinayuhan ng Obispo na huwag maging balat-sibuyas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 551 total reads

Nanindigan ang dating Obispo ng Kalookan na pinaiiral lamang ang katotohanan sa pagbibigay komento sa mga kaganapan sa bansa lalo na sa mga namamahala.

Ayon kay Kalookan Bishop Emeritus Deogracias Iñiguez, nauunawaan nito kung bakit napabilang ito sa listahan na pinaghihinalaang magpapaalis kay Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto dahil sa ilang pahayag nito na hindi sang-ayon sa pamahalaan.

“I can understand kasi minsan na-interview ako ng media may nasasabi akong mga reaction at hindi naman lahat ng reaction ko ay pabor kung minsan nakapagbibitiw din ako ng mga hindi pabor sa gobyerno kasi sa katunayan we are just observing, sinasabi namin yung nasa kalooban namin na maaring siya ang katotohanan na dapat umiral,” pahayag ni Bishop Iñiguez sa Radio Veritas.

Ang tugon ng Obispo ay kaugnay sa listahan na inilabas ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa social media tungkol sa mga personalidad at establisimiyentong nagsama-sama upang paalisin sa puwesto si Pangulong Duterte.

Kabilang sa listahan sina Caloocan Bishop at CBCP Vice President Pablo Virgilio David, Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Novaliches Bishop Antonio Tobias, San Pablo Bishop Emeritus Leo Drona, Bishop Julio Labayen na namayapa na noong Abril 2016 isang buwan bago ang halalan at isang Bishop Arturo Santos na wala sa listahan ng mga Obispo sa Pilipinas.

Kaugnay dito itinanggi ng Malacañang na may kaugnayan ito sa ipinaskil na listahan sa social media account ni Paolo Duterte at iginiit na iginagalang lamang ng pamahalaan ang kalayaan sa paghahayag ng bawat indibidwal.

MATUTONG TUMANGGAP SA POSITIBONG PARAAN

Dahil dito hinimok ni Bishop Iñiguez ang pamahalaan na matutuhang tanggapin ang mga reaksyon ng mamamayan dahil hinahangad ng bawat isa ang kabutihang panlahat.

“Sana ang gobyerno ay magkaroon din ng tamang pagtanggap ng mga reaksyon kahit na mga negative reaction upang maiwasto kung ano ang hindi tama,” ani ni Bishop Iñiguez.

Sinabi ni Bishop Iniguez na hindi dapat mamasamain ng pamahalaan at ng mga nanunungkulan ang mga puna ng mamamayan dahil ipinakikita lamang dito ang tunay na kalagayan ng pamayanan na mahalagang bigyang pansin.

Ipinaliwanag ng Obispo na dapat alamin ng mga namumuno ang mga pangyayari sa bayan at matutong timbangin upang magkaroon ng wastong pagbalanse sa magiging tugon sa ikalulutas ng bawat suliranin.

PANAWAGAN SA MAMAMAYAN

Hinikayat din ni Bishop Iñiguez ang mamamayan na makipagtulungan sa pamahalaan para sa ikatatagumpay ng buong bansa at makamit ang pagkakaisa.

“In the opportunities na puwede tayo makipag-cooperate, let us cooperate with them,” pahayag ng Obispo.

Bukod dito ay hiniling din ng Chairman ng Ecumenical Bishops’ Forum sa mananampalataya na patuloy na ipanalangin ang Pangulong Duterte na gabayan sa kaniyang pamamahala sa bayan.

Magugunitang sunod-sunod ang pagbatikos ng Pangulo laban sa Simbahan at sa mga namumuno dito tulad ng pag-akusa kay Bishop Ambo David ng pagnanakaw sa koleksyon ng Simbahan at isinangkot sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamut.

Kinakalinga ni Bishop David ang mga biktima ng masamang epekto ng droga sa pamamagitan ng church based drug rehabilitation program at pag-aruga sa mga maybahay at kabataang naulila dahil sa extra judicial killings na batay sa tala ng mga human rights group ay higit na sa 20, 000 ang bilang ng nasawi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 34,581 total reads

 34,581 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 140,717 total reads

 140,717 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 177,504 total reads

 177,504 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 208,080 total reads

 208,080 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 255,102 total reads

 255,102 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top